chapter 9

458 16 0
                                    

Andito kami ngayon sa library. May kailangan kasi kaming libro dito kaya hinahanap namin.

“Found it” sabi ni Scar.

Binigyan nya rin ako ng isa atsaka kami naghanap ng vacant table.

“I hate that prof. ayaw nya ibigay yung link para yun na lang aaralin natin. Gusto nya pa mano-mano. Ang hirap talaga kapag matatanda na yung prof” bulong nya sa’ken pero hindi ko sya pinansin dahil hinahanap ko yung pen ko.

Maya-maya pa’y hinampas nya ako kaya tinignan ko sya ng masama.

“IHHHHHHH”impit na tili nito.

“Ba’t ka ba nananaket?” 

May nginuso sya sa akin. Kaya tinignan ko kung ano yun at nakita ko ang Yelo na nakatingin na ngayon sa amin. Ang ingay naman kasi nitong si Scar.

“Sorry Tres. Sige basa ka na ulit. Hindi na ko mag-iingay” sabi ni Scar. Kaya nagbasa na ulit ito.

Naramdaman kong may nagvibrate at nakita si Scar na hawak ang phone at pangiti ngiti.

“Wait lang Maria ha? Lalabas lang ako. Asa labas ang beybe ko eh hihihi”

“Wait-“

Hindi na ako nakapagsalita ng mabilis pa sa kidlat na nakalabas sya ng library.

Napatingin ako sa Yelo at mukhang focus na focus sya sa binabasa nya. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa libro dahil tinatamad akong magbasa.
Masyadong maraming dinadala sa buhay ang lalaking ‘to. sa unang tingin aakalain mong sadyang pinaglihi lang sya sa sama ng loob pero ang totoo ay self defense nya ito para hindi na sya masaktan.

“Starring is rude,Miss”

Napaupo ako ng tuwid ng magtama ng mga mata namin.

”Huh? Stare your face. Can’t you see? I’m reading book”

“Nang nakabaliktad?”

Saka nya inayos ang book na hawak ko. Baliktad nga.

”Don’t you know how to read properly?”at tinabingi nya pa ang mukha nya.

He’s mocking me.

Inilubog ko na lang ang ulo ko sa libro na hawak ko para hindi ko sya makita alam kong nakangisi na naman ang Yelong ‘to.

“Maria. Baka naman matunaw na yan sa kakatitig mo”

“Di ba sinabi ko nang I’m not starring I’m reading” naiinis kong sabi

“Chill Maria. I know that. Ang akin lang ay baka masaulo mo na yang libro sa sobrang focus mo” nakagat ko na lang ang labi ko dahil napahiya na naman ako.

Bwiset ka Scar. Napasulyap naman ako sa Yelo na kahit medyo taklob ang mukha ng librong binabasa ay bakas na bakas ang ngisi nya. 

Damn it!

“Nga pala. May naghahanap sa’yo” napatingin ako kay Scar ng nakakunot noo. Asking kung sino yun.

“Lalaki.”

Lalaki?

“Mukhang taga kabilang university”

Sino naman kaya yun?

“Tas laging nakangiti na nakabrace. Para ngang crush ako eh”

Palangiti na nakabrace? Nanlaki ang mata ko.

“Where is he?”

“Asa tapat ng gate. Mukhang kanina ka pa inaabangan. Kilala mo-“

Hindi ko na pinatapos si Scar at umalis na ako dahil daig pa nyan si Boy Abunda kung magtanong. Baka gabihin pa ako.

***

“Hello my beautiful savior!” nakangti ito at dumipa pa ito papalapit para yakapin ako pero pinakita ko sa kanya ang kamao ko kaya bumalik sya sa pwesto nya ng nakanguso.

“What do you want?”

“Awwww ba’t ganyan agad ang tanong mo. You want to end our conversation easily”

“Tigilan mo ko Clyde. Madami akong ginagawa so sabihin mo na kung anong kaylangan mo”

“But I want to be with you.”

“Stop being childish Clyde.”

“Para naglalambing lang”

“Mag alaga ka ng pusa kung gusto mo ng kalambingan”

“Ba’t ba ang sungit mo? Sino bang kagalit mo? Lika resbakan natin”

Akma itong susugod sa gate ng university buti na lang nahigit ko ang dulo ng polo nya.

“Stop it Clyde.” Natatawa kong sabi. Napakakulit nya talaga.

“You are more pretty when you smile.” Sabi nito kaya siniko ko sya.

”Awwww”pagiinarte nito.

“Tell me now. What is it?”

“I already say sorry to him” nahihiya nyang sabi.

“Very good” saka ko ginulo ang buhok nya.

“I’m not a dog” nakapout nitong sabi. Tapos bigla na lang nya akong inakbayan.

“Want some coffe?” tanong nito.

Hindi ko na lang pinansin ang pag akbay nito.

“Sure” nakangiti kong sagot.

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon