Patuloy na naniniwala sa kasinungalingan
Patuloy na kumakapit kahit wala ng kinakapitan
Patuloy na lumalaban kahit wala ng ipinaglalaban
Patuloy na nagmamahal kahit na nasasaktan
“Sumosobra na sya.”
“Calm down Scar. “
“No. Knight. Maria is a good person. Wala syang karapatan para saktan sya ng ganito.”
Naririnig ko ang mga boses nila ngunit hindi ko maimulat ang aking mga mata. Narinig kong bumukas ang pinto.
“Oh my God. What happen to my daughter?” nag aalalang tanong ni mom.
“M-Mom” unang salitang lumabas sa bibig ko.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. At agad kong nakita ang nag aalalang mukha ng aking ina. Ngumiti ako sa kanya.
“Hello sweetie” hinalikan ako nito sa noo. “Happy birthday!” nakangiti nitong bati.
Dahan dahan akong naupo at tinulungan ako ni mom.
“What happen sweetheart? Andito ka na naman sa ospital.”
Hindi ko alam kung nagbibiro ba si dad. Pero ngumiti na lamang ako rito.
“Small accident dad. “
“Small accident huh? Mukhang madalas ka nang mapahamak nitong mga nakaraang araw.”
“I’m sorry tito. It’s all my fault dapat lagi kong binabantayan si Iya.” Napatingin ako kay Knight.
“It’s my fault dad. Dapat nagiingat ako.”
“Wala ng point kung magsisisihan pa tayo. Ang mahalaga ligtas ka. Palagi mo na lang kaming pinag aalala hija. Oh by the way. Happy birthday Sweetie.” Sabi ni dad at lumapit sa akin upang halikan ang aking pisngi.
“Dapat sa isang restaurant sa resort ka namin isusurprise pero change of plan.” Sabi ni mom.
“I’m sorry mom.
“It’s alright sweetheart. Lalabas lang kami saglit para kuhanin ang cake mo.”
“Okey.”
Umalis na sila at kami na lang ulit tatlo nila Scar at Knight ang natira sa kwarto. Tinignan ko si Scar pero inirapan ako nito.
“I’m sorry Scar.”
Agad na nagbago ang expression nya at sinugod ako ng yakap.
“Happy birthday Maria. “ sabi nito at mas lalong humigpit ang yakap sa akin.
“W-Wait h-hindi a-ako ma-ka-hi-nga."
Hinigit sya papalayo sa akin ni Knight.
“Are you planning to kill me?” naghahabol ako ng hininga.
Napanguso lamang sya sa aking tanong.
“Wait here’s my gift.”
May iniabot sya sa aking napakalaking box. Nasa gilid lang ito ng kama dahil napakalaki nito.
“Bahay at lupa ba ang nasa loob nito?” natatawa kong tanong.
Sya naman ay excited na nakatingin sa akin hinihintay ang magiging reaksyon ko.
Pagbukas ko ng box ay nangunot na ang noo ko.Helmet na pink na my nakasulat na Ay LabYu Beybeh Maria. At may mukha naming dalawa. Ang isa pa ay wheelchair na may unan at may mukha nya na nakanguso. Sang katutak na band aid din ang nakita ko sa box.
BINABASA MO ANG
Melting His Cold Heart
Fiksi RemajaPaano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?