Damn.
Damn him.
Ilang araw ko na syang hindi nakikita.
Ni hi ni ho. Wala.
Matapos ang lahat ng mga nangyari. Matapos ko syang bigyan ng hinihingi nyang second chance. Matapos nya akong HALIKAN. Ay gaganituhin nya ako!
Wala. Naiinis na talaga ako kaya pumunta na ako sa office nila at nakita ko si Clyde na nakikipagharutan sa sekretarya nila.
"Nasaan ang kapatid mo Clyde?" naiinis na tanong ko.
Nagulat naman ito dahil sa pagdating ko.
"Ha?"
Mas lalo akong naiinis sa sinabi nya.
"Damn you Clyde. Narinig mo ang tanong ko."
"Hehe. Kalma ka lang Iya. Gusto mo ba ng malamig na tubig para lumamig yang ulo mo?"
"Ang kailangan ko ay ang kapatid mo.Ilabas mo sya."
"Bakit? Nabuntis ka ba nya? Sabi ko na kasi sa kanyang mag ingat sya eh."
Tinadyakan ko na siya dahil napakawalang kwenta nya kausap.
"Aw. Hindi ko alam kung nasaan si Kuya. Ilang araw na syang hindi pumapasok. Yung project naming na hospital mo nga ay ako ang pinapamahala nya ng ilang araw."
"Imposibleng hindi mo alam kung nasaan sya. Sabihin mo dyan sa Kuya mo kapag hindi pa sya nagpakita sa akin. I'll fly back to U.S. and he'll never find and see me again." Sabi ko at umalis na.
Naiinis talaga ako grabe. Para na akong tanga kakahintay sa kanya ng ilang araw. Kinuha ko ang number nya sa peste nyang kapatid pero hindi ko sya matawagan. Wala akong load. Hindi. Cannot be reach lagi ang phone nya.
Damn him.
Alam kong may alam ang pesteng Clyde na yan pero ayaw nya lang magsalita. Masyado syang loyal sa kapatid nya.
Bwiset.
Kaylangan ko nang bumalik ng hospital. May rounds pa ako.
"Salamat po doktor."
"Wala pong anuman. Magpalakas po kayo." Sagot ko sa pasyente.
"May ichecheck pa ba akong ibang pasyente?" tanong ko sa nurse.
"Opo ma'am. Isinugod po sa ER. Kakadating lang po."
"Sige. Let's go."
Agad kaming dumating ng ER at napakaraming tao roon.
"Asan ang pasyente?"
"Nasa dulong hospital bed po."
"Sige. Asikasuhin mo na ang ibang pasyente."
"Sige po Doc."
Agad akong nagtungo kung nasaan ang pasyente at nadatnan ko itong balot na balot ng kumot.
"Excuse me? Pwede bang pakitanggal ng kumot mo. I'll just going to check you." Sabi ko ngunit hindi man lamang ito kumibo.
Patay na yata ito eh.
"Nurse?" tawag ko sa nurse na malapit.
"Yes Doc."
"Pakitawag nga ng morge.Patay na yata to."
Nagulat ako ng biglang bumangon ang kaninang nakabalot ng kumot.
"Patay na nga yata ako. Patay na patay sayo."
Naginit ang ulo ko ng makita ko ang mukha ng pasyente kuno ko raw.
"Papatayin talaga kita."sabi ko at susugurin na sana ito ng pigilan ako ng nurse na natatawa na.
BINABASA MO ANG
Melting His Cold Heart
Fiksi RemajaPaano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?