chapter 3

753 19 0
                                    

“HOY! MARIA DEL VALLE!!” nakalikot ko ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Scar sa mismong pagmumukha ko. talsikan pa ang laway kala moy shower ang bunganga.

“Oh?”  parang paiyak na sya ng tingnan ko.

“Bakit ka ganyan. Your so mean. Hindi ka nman nakikinig eh”

Yeah. Yeah. Tumayo na ako kaso may tinanong sya.

“Nga pala bakit simula ng umuwi ka kagabi ng basang basa ay parang nawala na yung utak mo. Lagi kang tulala. Nabudol budol ka ba sa daan?” napailing iling na lang ako ng maalala ko yung nangyari kagabi.

How embarrassing. Naging awkward na ang paligid ng matapos yung yakap na yun kaya dali dali akong umalis at nakalimutang hawak ko pa din pala yung phone nya. Pano ko ibabalik yun sa kanya ngayon???
Hindi ko na pinansin ang tanong ni Scar at dumiretso na sa kwarto para makapagbihis. Hanggang hindi ko napansin na nasa school na pala kami.

Dumiretso na kami sa room at naupo.  Mayamaya pa ay dumating na ang prof namin.

“Good morning class.” Bati ng prof naming bakla. P.E. teacher namin.

“Good morning sir” bati din namin.

Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang taong ayokong makita.

“Good morning Mr. Montefalco” maarteng bati ng prof namin. Pero tinignan lang sya nito. Kaklase ko nga pala to sa P.E.  MWF. At dahil miyerkules ngayon. Psh. Makikita ko sya sa ayaw at gusto ko. At dumiretso na sa upuan nya, bakante ang tabi ko.

Damn. Pero lumampas ito at dumiretso sa likod. Haist. Nagooverthinking na naman ako. Feeling ako sa part na yun ah. Napahiya ako ng konte.

“Magpalit na kayo. It’s P.E. time. Tapos diretso sa gym. “sigaw ng prof namin saka lumbas ng room.








*Gym*

“Volley ball tayo ngayon so make sure na may kateam mates na kayo.” Sigaw na naman ng prof namin. Hindi ata to marunong kumalma eh. Kala mo naman ay kami'y binge.

“Game na kami Sir” sigaw ni Scar.

Wushu kala mo naman ay magaling lumaro. Takot din naman sa bola.

“Okey. Mauna na ang team nyo Ms. Gonzaga”

Napakagaling nya talaga. Nauna tuloy kami.
Malas kalaban namin si Catherine.Malakas  pa man din ito pumalo ng bola. Varsity kasi ng volleyball. Tapos parang laging may galit sa kin. Ewan ko ba dyan kearte arte.

Nagsimula na yung laro at malapit na kaming manalo. Isang puntos na lang. Itong si Scar naman, buong game wala ng ginawa kundi tumili pag papunta sa kanya ang bola at magcheer kapag nakakapuntos kami, kala mo'y hindi naglalaro. Naging sobrang lakas ng palo ni Catherine sa bola kaya malakas ang naging impact sa braso ko.

“Ahhhhhh”
Napahiyaw ako sa sakit. Napaupo na ako dahil sa sobrang sakit. Parang nabali na yung buto ko.

Dali dali akong nilapitan ni Scar at nag aalala akong tinignan. Binigyan ko na lang sya ng ngiti para hindi na sya mag alala.

Dinala na nila ako sa clinic.
Napapadalas na ata ang pagdalaw ko sa clinic. Pinalis ko na si Scar kahit gusto nya pa akong bantayan. Sabi ko na lang kaylangan nya umattend ng class para alam naming kung anong nilecture ng prof.

Mag isa lang ako dito sa clinic dahil umalis yung nurse. Kakain lang daw sya. Ang tahimik. Asan na ba yung phone ko makikinig na lang ako ng music. Kaso sa paghahalukwat ko ng bag ko ay nagpatak ang ballpen ko at gumulong sa kabilang higaan. May nakaharang kasing kurtina para kahit papano may privacy naman yung mga pumapasok sa clinic. Nang hawiin ko ang kurtina ay halos tumalon ako sa gulat ng makita ko na naman ang Yelo na to.

Ano naman kayang ginagawa nito dito?

Hawak nya ang ballpen ko at nakatingin sya sakin. Hindi ko alam kung hahayaan ko na lang ba sa kanya ang ballpen ko at aalis o kukunin ko   at iisipin na hindi ko sya nakita.
Tatalikod na sana ako at aalis nang bigla syang magsalita.

“Phone”

Napapikit ako ng mariin ng maalalang nasa akin pa ang phone nya. Kinuha ko yung bag ko at kinuha ang phone nya. Iniabot ko sa kanya ang phone at di sinasadyang naglapat ang mga braso namin.

“Ang init mo ah”

Hindi nya ako pinansin sa halip ay humiga na lang at basta inilapag sa kama ang ballpen ko.

"Okey ka lang ba? Mukhang mataas ang lagnat mo. Kaylangan mong uminom ng gamot” nilapitan ko sya at nilapat ang kamay ko sa noo nya pero tinabig nya lang ito.

“Just go. I don’t need your help”

“No.” mariin ang pagkakasabi ko. “I’ll take care of you”  masyadong matigas ang ulo ng Yelo na to.

Kinuha ko yung thermometer at kukunin sana ang temperature nya ng tabigin na naman nya ang kamay.

Damn. Sinusubukan nya talaga ang pasensya ko.

Lumabas na  ako ng clinic. Para bilhan sya ng pagkain. Mabilis lang naman ako nakabili at bumalik na ako agad. Nadatnan ko pa syang nakapikit.

“Kung ayaw mong icheck ko ang temperature mo. Kumain ka na lang at uminom ng gamot” sabi ko kahit hindi ko alam kung tulog ba sya o ano.

“Eat that. Dyan lang ako sa kabilang kama. Kapag di mo yan kinain pupwersahin natalaga kita” banta ko.
Sana umubra.

Nakakainis na talaga ang Yelong yun. Ke arte arte. Sana kainin na nya yung pagkain na binili ko. At sana inumin na nya yung gamot.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

After 1hour…

Sinilip ko yung higaan ni Yelo dahil hindi na talaga ako makatiis. Gusto kong malaman kung nakakain na ba sya at nainom na nya yung gamot. Normal lang naman na alamin ng doctor kung anong lagay ng pasyente nya di ba?

“Ms. Del Valle?”

“Ay. Kabayo” nagulat ako sa tawag nung nurse.

Napatingin ako dito at nakangiti ito sa akin. Medyo matanda na yung nurse namin dito mga nasa 40s na siguro.
Nginitian ko din yung nurse at dahan dahang binaba yung kurtina. Parang akong nahuling naninilip.

“Ayus na ba ang braso mo?” tanong nito.

“Ahmmm opo.. medyo okey na po” napatingin na naman ako sa kurtina at mukhang napansin ito nung nurse.

“Nakakain na sya. Nakainom na din ng gamot. Natutulog na sya ngayon.” napatingin ako dito ng nanglalaki ang mata. Nabasa nya siguro ang isip ko kaya natawa ito.

“Kanina pa sya dito. Sabi nya masama daw pakiramdam nya kaya magpapahinga lang daw sya saglit. Binigyan ko sya ng gamot kaso sabi nya matutulog na lang daw sya. Kaya hinayaan ko na lang.” saka ito ngumiti sa akin. “Nobyo mo ba sya hija?” nasamid ako ng sarili kong laway dahil sa tanong sa akin ng nurse.

Hindi pa man ako nakakasagot ay namaalam na ito. May gagawin pa daw ito. Ako na raw bahalang mag alaga sa nobyo ko. ibang klase talaga ang utak ng mga matatanda kesyo kasama mo lang yung tao nobyo agad.
Nang makalabas ang nurse ay tinignan ko na si Yelo.

Mukhang mahimbing na ang tulog nito pero nakakunot ang noo nya kaya inayos ko para hindi na sya mukhang matandang mainitin ang ulo. Chineck ko na ang temperature nya at mataas pa rin ang lagnat nya. Wala akong makitang towel kaya yung panyo ko na lang ang binasa ko at nilagay sa noo nya. Kumunot na naman ang noo nya at maya maya pa ay may tumulong luha sa mata nito. Lagi ko na lang syang nakikitang umiiyak.

Mukhang binabangungut na ito kaya hinawakan ko ang kamay nito.

Ang higpit ng hawak nito sakin na parang ayaw na akong bitawan kaya naupo na ako sa tabi ng kama nya.

                                                                    

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon