chapter 17

470 19 0
                                    

“Wew. Sana laging may pa service.”parinig ni Scar mula sa likod ng kotse.

At tama kayo muli kaming sakay sa kotse ng Yelo. Pauwi na kami ng bahay.

“Tumigil ka Scar” tinignan ko ng masama si Scar sa likuran kaya nanghaba ang nguso nito.

“Wag mo na lang pansinin si Scar nagbibiro lang yan.” Baling ko sa Yelo na sa daan  nakatingin.

Hindi nya ako pinansin. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.

Dahil ba ‘to sa nangyari kanina?

Pagdating sa building ng unit naming ay iniwan na lang kami basta ni Scar at nauna na papasok. Kita ko pa kung paano sya pilyang ngumiti bago bumaba ng kotse at iwan kami.
Pagbaba ko ng kotse ay lalakad na sana ako mag-isa dahil mukhang wala namang balak ang kasama ko na pansinin ako nang hawakan nya ang balikat ko at tulungan akong maglakad.

Walang nagsasalita sa amin kahit na nung pumasok kami ng elevator hindi nya pa rin ako binitawan kahit nakatayo lang naman kami. Pinindot ko ang 4th floor at nang makarating kami sa tapat ng unit namin ni Scar ay binitiwan na nya ako.

“I need to go.” Sabi nito. Sa iba nakatingin.

“Ahm. Salamat sa paghatid.”

Nagulat ako ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng unit namin ni Scar.

“Pasok ka muna Tres. Naghanda akong miryenda.”

“Ano-“

Hindi na natuloy ng Yelo ang sasabihin nya ng hinigit sya papasok ni Scar. Napailing iling na lang ako dahil sa kakulitan ni Scar. Dahan dahan akong naglakad papasok at nakita kong basta na lamang tinulak ni Scar ang Yelo paupo ng sofa.

“Magpapalit lang ako ng damit”paalam ko sa kanila.

Ngunit hindi man lamang ako tinignan ng Yelo. Napabuntonghinga na lamang ako.

Ano bang problema?

O ang tamang tanong ay

Sino ba ang may problema?

***

“Ugh.”

Naramdaman ko ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko.
Nakakatamad pero pinilit ko pa ring bumangon dahil may pasok pa kami ni Scar.
Dumeretso ako ng kusina at nagtimpla ng kape.

Napakatahimik ng buong bahay kaya tinignan ko si Scar kung gising nya pero wala sya sa kwarto nya. Wala din sya sa banyo kaya napagdesisyunan ko na tawagan sya.

“I’m sorry Maria. Hindi na ako nakapagpaalam sayo. Ang himbing kasi ng tulog mo.”

May tatapusin daw sila ng group nya sa isang requirement na ipapasa ngayon. Tapos na naman kami kaya paganto ganto lang ako.

“Sige lang.”

“IHHHHHHHHHHH can’t remember?”

“Sinasabi mo?” tinawanan nya lang ang tanong ko.

“Bye Maria. Muah.”

“Geh”

*tooooot*

May nakalimutan ba ako ngayong araw?
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Scar at dumeretso na ako papasok ng banyo at naligo para makapasok na.

Pagdating ng ko ng school ay deretso ako sa room ng first subject namin at nadatnan ko na roon si Scar na maganda ang ngisi sa akin.

Ngisi at hindi ngiti.

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon