I don’t want to leave.
I still want to stay.
I want to wait.
But the pain is too much that I can’t endure it anymore.
I think I can’t be a good doctor if I stay here.
If I don’t leave.
If I wait.
I hope I choose the right option.
I hope I’m on the right path.
I hope I’ll find my happiness.
I hope I’ll find the right man.
After Six years………………
“Hi Doc.” Nakangiting bati sa akin ni Knight pagkalabas ko ng operating room.
Lumapit ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko.
Hindi na princess ang tawag nya sa akin dahil sabi ko nakakahiya na sa mga makakarinig. Para akong bata.
“Kanina ka pa ba naghihintay? Pagod ka na kaya dapat umuwi ka na at nagpahinga.”
“Hindi ako mapapagod na hintayin ka.”
“Kamusta naman ang kaso mo attorney? Naipanalo mo ba?”
“Ofcourse. Kaya hinintay kita ay dahil aayain kitang kumain.”
“Sige. Magpapalit lang ako.”
Six years na ang nakakalipas.
Napakabilis talaga ng panahon.
Nakatira ako sa isang condo unit malapit lang kila Knight. Sabi nila tito at tita, mga magulang ni Knight ay welcome naman ako sa bahay nila kaya hindi ko na kailangan magcondo. Pero tumanggi ako dahil kaylangan kong mag grow. Kailangan kong matuto.
Sa anim taon ko rito ay si Knight lang ang lagi kong kasama. Lagi rin syang nasa unit ko. Kasama ko magkape. Kasama kumain. Dinadalhan ako ng pagkain na luto ni tita. Inaalagan ako at lagi akong sinusundo sa hospital kahit na alam ko na pagod din sya.
“How’s your operation?”tanong nya habang sumusubo ng pasta na inorder namin.
“Good. Successful ang operation.”
“Hindi na ako nagtaka kung bakit ipinilit ng presedente ng U.S. na ikaw ang mag opera sa kanya. Isa ka nga talaga sa pinakamagagaling na doctor sa mundo.”
“Stop it Knight. Baka lumaki ang ulo ko.” sabi ko at tumawa.
“Yan nga ang isa pa sa ipinagtataka ko. Hindi ka pa rin nagbabago kahit ang dami mo nang achievements sa buhay. Ikaw pa rin ang napakabait at maunawaing prinsesa na nakilala ko nung six years old pa lang ako. I know you’re just acting rude in front of other people dahil paraan mo yan para hindi ka masaktan but hindi maikakaila ang taglay mong kagandahan. Panlabas man o panloob.” Napangiti ako kay Knight.
Tama. Six years old kami ng una ko syang nakilala. Bagong lipat kami nun sa subdivision nila at nakita kong may pinapaiyak syang isa pang bata. Inaasar nito ang bata at tinutulaktulak kaya sinuntok ko si Knight para tigilan nya yung bata. Hindi kasi sya makinig sa sinasabi ko at tuloy pa rin kaya sinapak ko. Matapos ko syang suntukin ay ginamot ko rin sya at tinulungan. Hindi ko alam pero nagtawanan kami habang ginagamot ko sya. Mula noon ay lagi na kaming nagkasama at hindi na naghiwalay. Nahulog ang loob ko sa kanya dahil sya palagi ang nandyan para sa akin ngunit iniwan nya ako nung magkacollege na kami.
“Ready to fly back to Philippines?”
“Yeah. I miss Scar. Last year pa sya bumisita at three days lang yun.” Ngawa ko.
BINABASA MO ANG
Melting His Cold Heart
Fiksi RemajaPaano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?