chapter 12

476 15 0
                                    

“Uy si Tres oh”

“Asan?”

Panay lingon ang ginawa ko pero hindi ko naman nakita ang Yelo.

“Hahahahaha.  Napapaghalata ka na Maria” Knirapan ko na lang si Scar. Inaasar nya ako.

“Hihintayin ko na ikaw ang magkwento Maria”dagdag pa nito.

Nangongonsensya. Nakonsensya naman ako pero saka na lang ako magkukwento.

Maaga kami ngayon ni Scar at kokonti pa lang ang tao sa gym. Friday na agad. Napakabilis talaga ng oras.

“Wala daw si Sir!” sigaw ng isa kong kaklase.

“Wooohoooooo”

“YEHEYYYYY!”

“Oh Yes”

“Uwian na!”
Sigawan ng mga kaklase ko.

“Let’s go Maria I wanna eat muna bago umuwi”

“Sige”

Bakit kaya wala pa sya? Aish hayaan mo na Iya.
Naglalakad na kami palabas ng gym ng makita ko ang yelo na nagmamadaling nalalakad.

“Kumain ka na Scar. Busog pa ako”

Saka ako tumakbo sa direksyon kung saan ko nakita ang Yelo. Narinig ko pa ang sigaw ni Scar na nagtatanong kung saan ako pupunta pero hindi ko na sya sinagot dahil baka mawala sa paningin ko ang yelo.
Inabutan ko sya sa parking lot ng school at sakay na ng kotse nya kaya binuksan ko agad ang pintuan sa front seat at pumasok sa loob. Nakita kong nagulat sya sa akin pero pinaharurut na nya ang kotse nya. Para syang may hinahabol dahil sa bilis ng takbo namin.  Kita ko sa mga mata  ang pag aalala.

“Calm down, Mister”

Kusa na lamang kumilos ang kamay ko at hinawakan ang kamay nya na nakahawak sa kambyo ng kotse. Naramdaman ko na naman na kumalma na sya.

Napatingin sya sa kamay ko na nakahawak  sa kamay nya kaya parang napaso na binawi ko ito.
Tumingin na lang ako sa labas dahil nakakahiya ang ginawa ko. maya maya pa’y bigla na lamang nyang kinuha ang  kamay ko.

“T-Teka-“

“You need to calm me down. “ sabi nito habang nakatingin sa daan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bakit ganun bukas naman ng aircon pero ang init?

Kalma lang Iya. Ako dapat ang kumalma. Hoooooo.!!

Hindi ko na namalayan na tumigil na ang kotse dahil kanina ko pa kinakalma ang sarili ko. Nakababa na  pala  sya kung at kung hindi nya kinatok ang bintana sa tabi ko ay malamang hindi na ako natauhan. Akala ko’y pagbubuksan nya ako ng pinto pero umalis na ito.

“Napaka-gentleman nya naman” I sarcastically told to myself.

***

“She’s fine now Tres. Relax.” Sabi ni Doctor Ramos. Ang uncle ng Yelo.

Hawak hawak nya ng mahigpit ang kamay ng ina. Natatakot.

“I need to go. Ikaw na ang bahala sa kanila” baling nito sa akin at nginitian ko na lang ito.

Ba’t sa akin sila binibilin? Umalis na ang doctor at kaming tatlo na lang ang natira sa kwartong ito.
Panay ang halik nya sa kamay ng kanyang ina.

“Wag mo muna akong iwan, mom. I’ll die if you die,mom.” Bulong lamang ito pero rinig na rinig ito ng tenga ko at maging ng puso ko.

Nasasaktan rin ako pero bakit?
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nyang nasa kamay  ng kanyang ina.

“Be strong Mister. I told you. You need to be strong for her because you’re her strength and I can be your source of strength if all of yours are drained. So don’t hesitate to ask for it.  I’m your painkiller, remember”

***

Naglalakad na kami palabas ng ospital. Hahatid na raw nya ako at saka kukuha sya ng gamit sa bahay nya. Babantayan nya ang mommy nya.

Malapit na kami sa pinto ng bigla nya ako harangin.

“You really is a clumsy doctor”

Bigla na lang syang lumuhod sa harap ko.

“Don’t you know how to tie your shoelace properly?” sabi nito habang inaayos ang naalis na ang tali ng sintas ng sapatos ko.

Pagtayo nya ay bigla na lamang nyang pinitik ang noo ko.

“Awwww” napahawak ako sa noo ko.

“You are my painkiller so you better make sure your always safe. I’m not always here to tie your shoelace. You might strip on it. You need to take care of yourself first before you take care of others”

“Roger that, Sir.”

Napailing iling lang ito sa sagot ko.

***

“I have an umbrella here. Sukob na lang tayo.”

Umuulan pala sa labas at wala syang dalang payong. Medyo malayo pa naman ang pinagparkingan nya ng kotse.
Hawak ko ang payong kaya kaylangan kong itaas ang braso ko para hindi tumama ang payong sa ulo nya. ang tangkad nya kasi.

Nakakangalay.

“Don’t you know how to seek for help?” tanong nito  saka kinuha  ang payong sa kamay ko.

“Sungit”bulong ko na lang.

Napansin ko na halos ang buong payong ay sa akin lang at nababasana sya. Iniayos ko ang payong para hindi sya mabasa kaso binabalik nya ulit sa dati nitong pwesto

“Nababasa ka na.”

Pero hindi nya ako pinansin  kaya lumapit na ako sa kanya.  Magkadikit na ngayon kami at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Sa sobrang space out ko ay hindi ko napansin ang madulas na parte ng kalsada kaya nadulas ako at mutik ng masubsub sa semento buti na lang nahigit nya agad ako palapit sa kanya.

Sobrang lapit.

“Mag ingat ka nga” masungit na sabi nito.

Wala na kaming payong dahil binitawan nya para tulungan ako.

“I’m sorry”

Lumayo na ito sa akin at hinawakan ang braso ko. naglakad na sya na hawak ang braso ko at sa kabilang kamay ay ang payong na hindi na namin ginamit dahil basa naman na kami.

“T-Teka l-lang kaya ko naman maglakad”

Hindi nya ako pinansin at panay buntong hininga lang ang narinig ko mula sa kanya hanggang makarating kami sa kotse.

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon