chapter 28

538 19 0
                                    

“Magandang umaga Doktor.” Bati sa akin ni Mang Felipe.

Narito sya ngayon sa opisina ko sa Golden Hospital.

Yeap. Kadarating ko lang kahapon pero nagtatrabaho na agad ako ngayon. Ayaw pa nga akong payagan ni mom buti na lang kumampi sa akin si dad. Nagkampihan na hahahaha.'

“Magandang umaga rin po sa inyo.”

“Mas maganda ka pa sa umaga doctor.”

Namula ako sa sinabi ni Aling Isadora.

Matapos ang ilang test kay Aling Isadora ay inaya ko silang kumain sa restaurant katabi ng ospital.

“Ready na po ba kayo sa operasyon?” tanong ko kay Aling Isadora.

“Syempre naman doctor. Sabik na akong tuluyang mawala ang sakit ko. Hahaba pa ang buhay ko at mas matagal ko pang makakasama ang aking asawa.” Napangiti ako.

“Kaya kailangan nyong magpalakas para kayanin ng katawan nyo ang operasyon.”

“Ang asawa ko ang lakas ko dok. Kapag malakas sya ay malakas rin ako.”

Natigilan ako sa sinabi ni Aling Isadora.

And if you feel like your draining your strength I can be your source to regain it.

Naalala kong sinabi ko iyan sa kanya. Naipilig ko na lamang ang ulo ko.

Nag ring ang phone ko. May tumawag. Ang sabi ay may bago daw akong pasyente. Icheck ko raw. Kaya nagpaalam na ako sa mag asawa.

“Sinong pasyente ba ang sinasabi mo?” tanong ko sa nurse ng makarating sa ospital.

“Mrs. Carla Montefalco po.”

Parang nabingi ako sa narinig.

Natigilan.

“Ano?”

“Si Mrs. Carla Montefalco po Doc. Asa office nyo na po sya.”

Hindi ko alam pero kinabahan ako. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?

Pagpasok ko ng office at hindi ko ipinahalata ang pagkabigla ng makita ko ang magandang mukha na noon ay nakikita kong nakaratay sa hospital bed. At kasama nito ang Yelo na prenteng nakaupo katabi ng ina.

“Ikaw ba ang doctor ko?” ngumiti ako at tumango.

“Napakaganda pala ng doctor ko.” namula ako sa papuri nito.

Napakabait nito hindi tulad ng anak nitong ipinaglihi sa sama ng loob.

“Ano po bang icoconsult nyo?” pinilit kong ifocus ang tingin ko kay Mrs. Montefalco kahit alam ko na nakatitig ang Yelo sa akin.
“Madalas akong mahilo at sumakit ang ulo. Pwede mo ba akong resetahan ng painkiller o kahit anong gamot?”

Painkiller.

Natigilan ako saglit na mukhang hindi naman nila napansin. Why do I keep remembering things all of a sudden?

“I’m going to check you first ma’am before ko kayo resetahan ng gamot.”

Habang chinecheck ko si Mrs. Montefalco ay bigla na lamang nahulog ang pen ko. Dadamputin ko na ito ng kasabay kong yumuko ang Yelo kaya nagkauntugan kami.

“Aw.”napahawak ako sa ulo ko.

“Naku doc. Are you okey?” ngumiti ako rito dahil nag alala ito. “Ikaw talaga Anak. Kung popormahan mo si Doc. Galingan mo naman. Wag mong saktan.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Namula na ng tuluyan ang mukha ko. yumuko at nagsulat na ng resetang gamot para hindi nila mapansin ang pagpula ng mukha ko.

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon