chapter 11

469 19 0
                                    

                                                               P.E. time na at andito kami sa gym.

“Tres anong gusto mo sa babae?” rinig kong tanong ni Catherine.

Napatigil ako sa pagtatali ng sintas ko ng maring ko yun. Napatingin rin ako sa tagiliran ko dahil dun sila nagkukwentuhan.

“Yung masarap magtimpla ng kape” sagot nito na nakatingin sa direksyon ko kaya nagpanggap akong hindi nakikinig at inulit ang pagtatali ng sintas ng sapatos ko.

K-Kape? Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko sa isipin na baka- No Iya. Wag kang assumera. Baka naman masarap magtimpla ng kape yung Venice.

“Namapak ka ba ng blush on?” napatingin ako kay Scar dahil sa tanong nya.

“Ano bang sinasabi mo?”

“Ang pula ng mukha mo. May allergy ka ba?”

“Ah.. eh..”

“Okey class go to your partners. Itutuloy na natin ang sayaw na hindi natapos last time” sigaw ng prof namin kaya nagsitayuan na ang lahat.

Asan na yung partner ko? Nakita ko syang nakangiting papalapit na sa akin kaya tumayo na ako kaso biglang nawala ang ngiti nya at pumunta sa ibang direksyon.

Ano kayang problema nun?

“Mukhang wala ka nang partner ah?”

Nagulat ako ng may nagsalita sa tagiliran ko. Ang yelo pala.

“Ayaw na ata sa akin ng partner ko kaya naghanap ng iba” biro ko.

“Let’s go.” sabi nito sabay higit sa akin.

Napatingin ako kay Catherine at inirapan nya ako. Problema nun? Partner na nya ngayon si Carlo na partner ko last time.

“I thought partner mo si Catherine”

“She’s not a painkiller so she’s not my partner. Pano kung masaktan ako tas wala sa tabi ko ang painkiller ko. I’ll die”

Natawa ako sa sinabi nya kaya nangunot na naman ang noo nya.

“Your not going to die your painkiller will always be at your side”

***

Uwian na. At kasabay ko ngayon si Scar. Palabas na kami ng gate ng may biglang kumalabit sa akin. Nang tignan ko kung sino ay sumalubong sa akin ang ngiti nya na labas na naman ang braces.

“Hello Princess.”

“Anong kelangan mo?”

“ Ito naman. Masama na bang bumista. I just want to see you.”

Naramdaman ko na siniko ako ni Scar ibig sabihin ipakilala ko raw sya.

“Nga pala Clyde this is Scar my bestfriend. Scar this is Clyde.”

“Yeah I know her sya yung nasa party.”

“Did you hear that? He know me” kilig na bulong nito sa akin.

“Can I borrow Iya?” tanong nito kay Scar.

“Ofcourse kahit sa isang taon mo na ibalik” natawa si Clyde sa sinabi ni Scar.

“Bakit ka sa kanya ka nagpapaalam sya ba hihiramin mo?”

“Ihhhhhhh magdedate ba kayo?” tanong ni Scar kay Clyde.

Potek.hindi ako pinansin.

“That would be a great idea. Lets go princess”

Tinulak na ako ni Scar kaya sumama na ako.
Dumiretso kami sa kotse nya at pinagbuksan nya ako ng pinto kaya sumakay na ako.

“Sinasabi ko sayo Clyde. Wag mo akong isali sa laro mo.”

“I just want to spend a little time with you Princess.” Nakangisi nitong sabi.

Pagdating namin sa isang mall ay dumeretso kami sa sinehan. Horror ang palabas at nabobored talaga ako dahil hindi naman nakakatakot. Panay ang tili ng mga babae sa loob ng sinehan tapos yung iba todo yakap sa mga boyfriend nila.

“Aren’t you scared?”

“Nope. Anong nakakatakot dyan?”

“Okey. Akala ko pa naman you’re going to scream, hold my hand and hug me because your scared”

“In your dreams”

Natapos na ang palabas at inantok lang ako kaya natulog na lang ako. Nagising lang ako ng kinalabit ako ni Clyde.

“Tapos na ang palabas princess at maling balikat ang binagsakan mo. Dapat sa balikat ko pumatak yang ulo mo” nakapout na sabi nito kaya natawa na lang ako.

Magsosorry sana ako sa katabi ko kaso lang paglingon ko ay wala na ito.

“Let’s go. Kain tayo?”

“I think that’s more fun than watching a horror movie na hindi naman nakakatakot”

Pumasok kami sa isang restaurant at umorder sya ng sang katutak. As in sobrang dami.

“Fiesta ba?” natatawa kong tanong.

“Sabi mo kasi akong bahala eh hindi ko alam ang gusto mo” sabi nito sabay kamot ng batok.

“Wait let’s take a selfie first” sabi ko at inilabas ang phone ko.

Nakailang shots kami before kami kumain.

***

Nasa parking lot na kami at pauwi na nang bigla nya akong hapitin at yakapin.

“W-Wait a-anong ginagawa mo?”

“I’m testing him. So be ready”

Huh?

“Ano bang kalokohan-“

Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at isang maling galaw ko lang ay mahahalikan na nya ako. Tinutulak ko sya pero hindi ko sya matulak kaya halos nakahiga na ako sa bumper ng kotse nya.

“Stop it Clyde. I don’t want to hurt you.”

Kayang kaya ko syang saktan pero hindi ko kaya.
Tuloy pa rin ang paglapit ng mukha nito sa akin kaya napapikit na ako.

Pero ng makarinig ako ng isang suntok ay napamulat ako at nakita ko na lang na nasa sahig na si Clyde at likod ng lalaki ang nasa harapan ko.

“Game over Clyde. That’s enough.”

Halos mangilabot ako ng marinig ko ang malamig na boses ng Yelo.

“Clyde. Are you okey?”

Napatakbo ako kay Clyde dahil nakita kong dumudugo na ang labi nya.

“So you still chose him after what he did to you?”

Nakita ko ang paglungkot ng mga mata nya. naguguluhan ako sa kanya. Tumalikod na sya. Pero natigil sa sinabi ng kapatid nya.

“I already figured it out Kuya. Gameover.”

Naguguluhan ako sa inaasta ng magkapatid na ito. Bigla na lang tumayo si Clyde at pumasok sa kotse nya.

“Goodbye princess. I’m sorry for all the trouble.”sabi nito sa akin

“Better fixed your trouble mind Kuya before it becomes more messy” baling nito sa Yelo. 

At pinaharurut na nito ang kotse paalis. Leaving me and his kuya.
This is awkward.
Napatingin ako sa kanya pero nakatingin din pala sya sa akin kaya sa paa ko na lang ako tumingin.

Damn you Clyde. I swear hindi na talaga ako sasama sayong ugok ka.

Narinig ko ang ilang beses nyang pagbuntong hininga.

“You think he’s more fun to be with?” tanong nya kaya tinignan ko sya na sa ibang direksyon nakatingin.

“Yeah”

Nakita ko ang paglungkot ng mata nya ng saglit nya akong tignan.
“He’s a funny guy.”

Tumalikod na sya sa akin.

”But it’s more fun for a painkiller to be with her patient to take away his pain and to make him smile again”

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon