"IHHHHHHHHHHHHHHHHHHH” tili ni Scar.
“Ngayon ka lang ba ulit nakalabas ng bahay ha? Scarlet?” naiinis na tanong ni Knight.
Binging-bingi na kasi ito pati na rin ako. kanina pa nagtititili at nagsisisigaw si Scar mula ng dumating kami dito sa resort.
Kami pa lang tatlo ang nandito dahil may tinatapos pa ang mga magulang namin ni Scar. Ang lolo at lola naman ni Knight ay maya maya na din daw susunod.“Birthday mo na bukas Maria. What’s your plan?
“I just want to relax Scar. Peace.”
“I hope you got the peace that you want.”
Nandito kami sa cottage ng resort at tinatanaw ang asul na dagat.
“Nagugutom na ako. Tara kain muna tayo.” Aya ni Scar.
“Susunod na lang ako sa inyo. Magpapahinga lang ako saglit.”
“Sige. Tara na Knight.” Aya nito kay Knight na nakatingin lang sa akin. Parang ayaw sumama.
“Kumain na kayo Knight. Samahan mo si Scar. Susunod ako. Don’t worry.”
“Sige. Sumunod ka kaagad.” Sabi nito at tuluyan na silang umalis.
I close my eyes to take a nap. I really need to rest physically and emotionally.
***
“Sinasabi ko sayo Kuya. She’s going to kill us kapag nagising yan. We’re dead.”
“I will be the one to kill you kapag hindi ka tumahimik.”
Hindi ko alam kung nanaginip ba ako dahil naririnig ko ang boses ng Yelo at ni Clyde. Hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin at yumakap na lamang ako sa unan.
UNAN?
Agad akong bumangon dahil wala namang unan ang cottage. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nasa malambot na kama na ako. Ipinilig ko ang ulo ko dahil baka nananaginip pa ako.
Wake up Iya.
“She’s awake.” Sabi ng boses sa likuran ko. Boses ni Clyde.
Agad akong pumihit kung saan nanggagaling at nakita ko si Clyde na nakatago sa likuran ng Kuya nya. Nanlaki ang mata ko.
“Good morning?” halatang pilit tang ngiti nito.
Susugurin ko na sana ito ng suntok ng humarang ang Yelo.
Damn you Clyde.
“Easy Iya. This is not my plan. Napagutusan lang ako.” Sabi nito at tumakbo sa pintuan.
“You. Babaliin ko ang leeg mo kapag nahawakan kita.”
Hinawakan nito ang leeg nya. saka ngumiti sa akin na parang nabali na ang leeg nya.
“I’m really sorry Iya. Baka kasi hindi lang leeg ang baliin nya sa akin kapag hindi ako sumunod hehe. K. bye.”
Susugurin ko na sana sya ng bigla nyang isara ang pintuan.
Damn. Nakalock sa labas.“Humanda ka sa akin Clyde.” Sigaw ko at sinipa ang pintuan.
Magsasayang lang ako ng lakas kung pipilitin kong buksan ang pinto.
I’ll just call Knight.
Kinapa ko ang phone ko sa aking bulsa pero wala ito.
Damn.
Nanggigigil talaga ako sa Clyde na yan. Palagi na lang nya akong isinali sa laro nya.
“Relax Miss.”
BINABASA MO ANG
Melting His Cold Heart
Teen FictionPaano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?