chapter 5

711 21 0
                                    

Kumakain na kami ngayon at halos nakalimang kape na ako para hindi ko antukin.

“Pang anim mo yan ah.” Puna sa akin ni Scar.
“Tama na ang kape Maria. Baka mamaya nyan magpalpitate ka na” Kinuha na nya ang tasa sa akin.

Umubob na lang ako sa lamesa dahil inaantok pa din ako.

“Ano bang nangyayari sayo? “ hindi ko na pinansin si Scar at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Sya naman nakatoka sa paghuhugas ng plato.
Pagpasok ko ng kwarto ay napatingin ako sa bintana ko. Naalala kong kitang kita nga pala ang kwarto ko mula sa bahay niya. Sumilip ako sa bintana at kasabay nun ay ang pag ihip ng hangin. Napatingin ako sa unit nya at bigla na lang may kumabog sa puso ko. Nasobrahan na yata ako sa kape.


***

“Okey. That’s all. Class dismiss” after magdismiss ng prof ay nagsilabasan na ang lahat pwera sa amin ni Scar na nag aayos pa ng gamit.

*hikab*

*stretching*

Tapos na ang dalawa naming klase.

One more to go.

“Maria. Ayus ka lang ba mukhang puyat na puyat ka ah. Nakatulog ka ba ng 12hours”

“Hindi nga eh. 7hours lang”

“What?? Anong pinaggagagawa mo kagabi at napuyat ka? Alam mo namang 12hrs dapat ang tulog mo”

Yes. You heard it right kalahating araw ako natutulog at kapag nagkulang paniguradong bad mood ako lagi. Kaya nagiingat si Scar sa mga sinasabi nya baka mamaya mabato ko sya ng libro.

“Nag aral ako”

Tinignan nya ako na parang isang napakalaking joke ang sinabi ko. Pero maya maya pa ay nagkibit balaikat na lamang sya.

"Gutom na ko. tara na kumain”

“Mauna ka na. dito na muna ako. Wala na namang ggamit ng room na ito kaya matutulog muna ako. Patayin mo na lang ang ilaw para mukhang wala ng tao”

“Sige. Puntahan na lang kita dito para abay na tayo sa last class natin okey?”

“Sige” 

Naupo na ako at umubub para sana matulog pero kakapikit ko lang ay may pumasok na naman sa loob. Mukhang hindi ako napansin dahil may kausap yata sa phone.

“Okey. Ako na ang bahala. Just take care of her”

Nawala ang antok ko ng mabosesan ko kung sinong nagsalita. Pag minamalas ka nga naman. Sinadya kong sipain ang silya sa unahan ko para palayasin na sya.

“DAMN” mura nya.

Nagulat yata kaya natawa ako. Patay pa rin kasi ang ilaw at tanging liwanag lang sa labas ang nagsisilbing ilaw ko kanina. Nakita ko kung paano sumama ang tingin nya sa direksyon ko. HAHAHAHA pikon.

“Scared?” nang aasar kong tanong.

Ngumisi sya at parang hindi yun maganda. Aalis na sana ako kaso naunahan nya ko. Nacorner na nya ako. Humarap ako sa kaliwa pero andun na yung braso nya maging sa kanan ko ay ganun din. Total lockdown na ako. I’m dead.

Tumungo na ako para iwasan ang titig nya.

“SCARED?” nang aasar nyang banat.

Aish gumaganti na ang yelo. Hindi dapat ako magpatalo kaya nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. Bakit ba sa twing titingnan ko ang mata nya nakakaramdaman ako ng lungkot? Para bang gusto ko syang yakapin dahil nalulungkot ako. Nakalimutan ko na tuloy na……Damn sobrang lapit ng mukha naming sa isat isa konting kibot lang baka baka…

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon