“Really Scar? Eto yung sinasabi mong emergency?”
Hindi ko nasagot ang tanong ng yelo dahil tumawag sa akin ang bruhang ito at sinabing may emergency daw sa bahay at pagdating ko ay napundi lang naman pala ang ilaw sa banyo.
“I’m sorry Maria. Hindi kasi ako maka ihi kasi ang dilim sa loob” naiikot ko na lang ang mata ko. Buwiset.
“Wait! Nasabi mo na ba sa kanya?” tanong nya saka naupo sa sofa.
“No. Not yet. I… I cant.” Napaupo na lang din ako sa sofa.
“Ang hina mo naman Maria eh. sasabihin mo lang naman na you like him.”
“Sige ikaw na magsabi. Kala mo ba madali?”
“Hehehe joke lang naman eh. Hindi ka na mabiro.” Sabi nito at nagsimula na namang magpipindot at scroll sa phone nya.
“Uuwi na pala ng Pinas si Venice Cruz.” Nangunot ang noo ko sa narinig kong pangalan.
“Venice Cruz?”
“Yeah Hindi mo sya kilala? Sikat syang model sa Austrialia. Look super pretty nya.”
Tinapat nya ang phone nya sa mukha ko.
Ang ganda nga.
“Wait stalk ko sya sa Facebook.” Sabi nito at nagfocus ulet sa phone nya.
“O. Oh. “ napatingin ako sa kanya.
“What is it Scar?”
“Nothing.”
May tinatago ito dahil bigla na lang nyang tinago ang phone nya.
“Give me your phone.”“Ihhhhhh Pero..”
“Akin na.”
Binigay naman nya sa akin ang phone at bumungad sa akin ang pictures ng sinasabi nyang Venice at ng isang lalaki. They look so inlove and sweet together. Holding hands and smiling like there’s no tomorrow.
Ouch. Nasasaktan ako pero wala akong karapatan.
“Maria” nag aalala si Scar kay nginitian ko sya para sabihin na ayos lang ako.
“Magsho-shower lang ako.” Paalam ko dito
Pagpasok ko sa kwarto ay napatingin ako sa bintana pero dumeretso na ako sa banyo para maligo. I need to freshen up para gumana ng maayos ang utak ko. kaso pagkatapos kong maligo at magblower ay dinalaw na ako ng antok.
His heart was already taken by Venice. He’s waiting for her patiently.
Tama. Kaylangan kong itatak sa kokote ko na hindi nya ako gusto.
***
“Ihhhhhhhh Maria naman eh. it’s Sunday mag-mall naman tayo.”
Kanina pa nangungulit yan. At naiirita na ako. Tinatamad talaga ako. Feeling ko drained na drained ako.
“Anong oras na ba?”
“Alas TRES na” nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya umaga pa lang ah.
“Ayieeee iniisip.” Inirapan ko na lang sya.
“Tigilan mo ako Scar. Hindi ako sasama sayo.”
“Ihhhh Joke lang naman eh. Ten o’clock pa lang. Dun na tayo maglunch sa mall. Tinatamad kasi ako magluto.”
“Ayaw”
Niyugyug nya ako ng niyugyug sa kama na parang isa lang akong teddy bear.
“May bagong coffee shop sa tabi ng mall. Wanna try?”
BINABASA MO ANG
Melting His Cold Heart
أدب المراهقينPaano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?