chapter 27

521 20 1
                                    

Nabato ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses na yun.

Muling bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ako maaaring magkamali, isang boses lamang ang may kakayahan na patibukin ng  ganito ang puso ko.

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at nang magtagpo ang mga mata namin ay muli, unti-unti na naman akong nalunod sa kanyang mga mata.

Ang mga matang hindi ako magsasawang titigan. Mga mata kung saan mo makikita ang iba-iba nitong emosyon.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata at maya maya pa ay ngumisi ito.

Masasabi kong sa anim na taon na hindi ko sya nakita ay mas lalo itong gumwapo. Iba na rin ang hairstyle nya na mas bumagay sa kanya. Kahit t-shirt na itim lamang ang suot nya ay nagsusumigaw ang gandang lalaki nya.

“I’m sorry ma’am nauna po ang pagtawag ko sa inyo. Ito po ang black coffee nyo.”

Natauhan ako ng magsalita ang crew. Naiiwas ko ang aking tingin sa kanya at kinuha ang kape. Kaso mainit pala ito kaya nabitiwan ko ito. Tumapon  ang kape buti na lamang at hindi sa kamay ko.

“Aw.”

Nagulat ako ng bigla nyang hilahin ang kamay ko. Sinusuri kung malala ang pagkakapaso ko.

“You really is a clumsy doctor.”

Muling nagtagpo ang mga mata namin.

Don’t fall again this time, Maria.
Nahigit ko ang aking kamay mula sa kanya at dali-daling lumabas ng coffee shop.

Damn it. Damn it.

Kung sino pa ang taong ayaw kong makita ay sya pa ang una kong matatagpuan. Pinaglalaruan na naman ako ng tadhana.

Natigil ako sa paglakad ng may humigit ng kamay ko.

“Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Anim na taon din tayong hindi nagkita.” nakangising tanong nito.

“Wala akong panahon makipagkamustahan. Mauna na ako.” Seryosong sabi ko at hinigit ang ko ang kamay ko mula sa kanya.

Pumihit na ako para umalis ng marinig kong muli ang salitang yun.

“Stay.”

Damn that word. Damn you mister.

Muli akong humarap sa kanya. Seryoso. Naiinis.

“Dapat sa sarili mo yan sinasabi.” Seryoso kong sabi.

Sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko ng magmove on pero ngayong kaharap ko na ulit sya ay hindi ko mapigilang hindi mainis lalo pa at ganito ang kinikilos nya.

“You told me you’ll stay but you also left.”

“I told you I can’t stay for too long.”

Tumalikod ng ako at nagsimula ng magmartsa palayo ngunit may bigla na lamang humablot ng bag ko.

“Eto ba ang welcome back party ko? Ang maghabol ng magnanakaw?” mabuti na lamang at naka rubber shoes ako kaya mabilis kong nahabol ang magnanakaw.

Wala na itong tatakbuhan dahil mataas na pader na ang nasa likod nya.

“Give me back my bag?” sabi ko at inilahad ang kamay ko. “ O kahit one hundred pesos lang para makauwi ako sa amin. Sayo na yang bag na yan at lahat ng laman nyan. Basta kaylangan ko ng pamasahe.”

“One hundred?”

“Yes sayo na yan lahat basta bigyan mo lang ako ng pamasahe.”

Bibigyan na sana nya ako ng pera ng may narinig akong tumatakbo papalapit sa akin.

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon