“Vacation?“
“Yeap. Bigay nila mom. Magrelax daw tayo dahil tapos na yung mid term.” Sabi ni Scar habang may bitbit na bag.
Naiimpake na.
“Pero-“
“No buts. Maria. You need this. Kaylangan mong ayusin ang magulo mong utak para makapagdesisyon ka ng maayos. Tsaka two days and one night lang naman ‘to. Nandito na tayo sa linggo ng hapon. Bukas ng umaga ang alis natin kaya magimpake ka na.”
Wala na akong nagawa dahil kahit ayaw ko ay hindi papayag si Scar. Alam kong gusto nya lang akong pasayahin. Gusto nyang makalimutan ko ang mga bagay/tao na nagpapagulo ng utak ko.
Nang pumasok ako ng kwarto ay hindi ko mapigilan na mapatingin sa bintana na tanaw ko ang liwanag ng buwan. Parang hinihila ako upang sumilip rito ngunit ipinilig ko ang ulo ko para bumalik ako sa katinuan.Sana maranasan ko ring piliin kahit minsan.
***
“IHHHHHHHHHHHH I’m so excited. Makakapagbeach din sa wakas.” Tili ni Scar nang makasakay kami sa kotse ni Knight.
Kasama namin sya dahil sya daw ang driver sabi ni Scar. Panay ang inisan nilang dalawa bago pa kami umalis ng bahay. Kesyo mukha daw driver si Knight kaya hayun panay ang tawa ko sa kanila.
“Stop thinking too much princess. Hindi dapat mastress ang prinsesa.” Ngumiti lamang ako kay Knight.
Pumikit ako saglit pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako buong byahe.
“Mabuti hindi tayo nabangga kanina.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Scar.
“Ano? Bakit tayo mababangga?” tanong ko.
“Yan kasing drayber natin ay kung saan-saan oh let me rephrase it. Kung kani-kanino nakatingin.Aw.” binangga sya sa balikat ni Knight at mukhang naguusap sila sa tingin.
Papasok na kami ng hotel para magcheck in at si Knight lahat ang may bitbit ng gamit namin. Gusto ko sya tulungan pero ayaw nya naman. Ang mga prinsesa daw ay hindi dapat nahihirapan.
“Wait-what?”
“Wag mo nang pansinin yang si Scarlet. Malala na ang sira sa utak nyan.”
“Ah talaga ba Knight? Baka ikaw ang malala na.” bira ni Scar.
Nagtinginan sila ng masama.
“Tama na yan okey?” pigil ko sa kanila.
“Torpe” bulong pa ni Scar.Hayyyy ano bang meron at mukhang may hindi sila pinagkakasunduan ngayon.Ganyan yang dalawang yan kapag salungat ang paniniwala nila tungkol sa isang bagay.
Magkasama kami ni Scar sa room at sa katabing room lang naman si Knight para one call away lang daw sya.***
“Ikot tayoooo.” Kulit sa akin ni Scar.
Nandito na kami sa loob ng hotel room namin.
“Tinatamad ako Scar.”
“IHHHHHHH Maria. Madaming magandang view sa labas. Picturan mo ako. Pang-instagram.”
“Ayoko.”
“Waaaaaahhhhh. Maria naman eh. Why are you like that? Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na bang bestfriend? Wahhhhhh” naiikot ko na lang ang mata ko ng yugyugin nya ako.
“Fine.”
***
“Ihhhhhhh ang ganda ng dagat. Swimming tayo.” Inikutan ko ng mata si Scar kaya ngumuso ito.
BINABASA MO ANG
Melting His Cold Heart
Teen FictionPaano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?