chapter 8

529 17 0
                                    

It’s already Sunday at sumisikat na ang araw pero gising pa din ako.

DAMN IT! DAMN IT! DAMN IT!

Normal bang sa tuwing ipipikit ko ang mata ko ay ang nakangiting mukha ng Yelo ang nakikita ko?

This is insane!!!

Bumangon na ako dahil hindi rin naman ako sapian ng espiritu ng antok.

Nagpunta ako sa kitchen para makapagtimpla ng kape.

“Good morning Maria!!” masiglang bati sa akin ni Scar.

Mukhang nakatulog sya ng maayos hindi tulad ko. maya maya pa’y bigla na lang syang bumuga ng kape.

“Pwe!Pwe! may galit ka ba sa kape? Grabe ang pait”

“Bakit kasi basta basta ka na lang umiinom ng kapeng hindi naman iyo” sabi ko saka kinuha sa kanya ang tasa ng kape at saka himigop dito.

“Wait! Puyat ka ba? Mukha kang nakadrugs. Sabog na sabog yang mata mo”

“No. I’m not”

“You can fool others but you can’t fool me Maria. Tell me may problema ka ba sa pagtulog. Gusto mo magconsult na tayo sa doctor? Alam mo naman ang nangyayari kapag ganyang wala kang tulog di ba?”

“I’m fine Scar. Wag kang mag alala” at pumasok na ako sa kwarto ko para maligo.

Baka sakaling kapag nafreshen up na ako ay dalawin ako ni kumareng antok. Pero matapos kong maligo ay deretso na naman ako sa tapat ng bintana ko. mukhang wala sya sa unit nya. Patay ang mga ilaw eh.
Nang macheck ko na sya ay napagdesisyunan ko na lumabas muna saglit. Hindi ko nakita si Scar sa sala kaya tinignan ko sya sa kwarto nya at nakitang natutulog na ulit. Sana ol kaibigan ng antok.
Itetext ko na lang sya na lumabas ako saglit para maglakadlakad.


***

Sa pagmulat ng mata ko ay agad akong napabalikwas dahil hindi ito ang kwarto ko.

“Awww” daing ko.

My head hurts.

“Ma’am ayus lang po ba kayo? Wait tatawag lang po ako ng doctor”

Ano bang nangyari sa’ken at andito ako sa ospital?

“Hello Miss. Naover fatigue ka kaya nawalan ka ng malay kanina.”

So that’s it. Malamang nawalan ako ng malay habang naglalakad-lakad sa labas.

“Buti na lang nadala ka agad dito ni Mr. Montefalco” dagdag ng doctor.

“Ano po? Montefalco?”

“Yes. Anak sya ng isa sa mga pasyente ko dito.”

Maybe he’s not one of the Montefalco I know.

“At alam mo ba sobrang gwapo nya. Naiingit ako sayo kasi karga karga ka nya papasok ng ER. “ kilig na kilig yung nurse sa pagkukwento. Pero napatigil lang ng tignan sya nung doctor.

“Ahm may I ask kung asan sya ngayon?”

“Ofcourse. Asa room 408 sya.”

***

Pagkabukas pa lang ng pinto ng elevator ay dali dali kong pinuntahan ang room 408 pero nang nasa tapat na ako ng pinto ay nag aalangan na ako kung bubuksan ko. HOOOOOO. Hinga Iya. Magtethank you ka lang tas aalis ka na agad. Isang kabastusan kung basta ka na lang aalis ng hindi man lang pasalamatan ang taong tumulong sayo.

“Ahhhhhhh” tili ko dahil biglang bumukas ang pinto.

Nakasandal  pa naman ako dito. Akala ko semento na ang sasalo sa akin pero may mga brasong pumulupot sa katawan ko.

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon