Hi!
DeleteYow!
Delete
Hey!
Delete nakahiga ako ngayon sa aking kama at nagiisip ng tamang salita ng itetext sa Yelo.
Arghhhhh. Bakit ko pa ba sya kaylangang i-text? Ay oo nga pala. I forgot to greet him happy birthday.Still awake?
Naitype ko na lang. Alas onse ng gabi Iya tas tatanungin mo kung gising pa?
Sa sobrang inis ko itinapon ko sa kabilang side ng kama ang phone ko.
*beep*
Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang phone ko. kinuha ko ito at halos lumuwa ang mata ko ng Makita ko kung sinong nagtext.
Dakilang Yelo
Yeah.Nabitawan ko ang phone ko ng bigla muli itong tumunog.
H-He’s CALLING!!
Dinampot ko ang aking phone at makailang beses huminga ng malalim bago sagutin ang tawag.
“Why are you asking if I’m still awake? Need something?” napapikit ako ng marinig ko ang boses nya.
Boses pa lang nya bumibilis na agad ang tibok ng puso ko.
“I-I f-forgot to greet you.” He chuckled.
Naglakad ako papunta sa tapat ng bintana ko para tanawin sya. Ngunit napahakbang akong muli pabalik ng makita kong nakatingin sya sa direksyon ko. Nasa tapat sya ng bintana ng kanyang sala at mukhang hinihintay ang aking pagdungaw.
Alam nya.
Narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya.
“Look at the window. Bakit umalis ka?” nang aasar ang tono nya.
“H-How-“
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nasabi ko nga pala sa kanya nung lasing ako.
“Look at the window. Look at me then greet me.”
Dumungaw ako sa bintana at nakita ko na naman ang mga ngiti nya.
Malayo man ang aming pagitan ay nagtatagpo pa rin ang aming mga mata.
“Happy Birthday Mister.” Nakangiti kong bati.
Sana marinig mo ang bawat pintig ng puso ko na nagsususumigaw na
Mahal kita.
***
“Aw.”
Napahawak ako sa noo ko ng pitikin nya na naman ito. Hinahawakan nya ang kamay ko at tinanggal sa noo ko saka nya hinalikan.
Namula ako dahil sa ginawa nya.
“Mag-ingat ka kasi.”
Napaso kasi ako ng kape kaya pinitik na naman nya ang noo ko. Lumabas kami saglit ng campus dahil wala kami parehas klase.
“I’m sorry.”
Napayuko ako para itago ang kilig ko.
“Look who’s here.” sinamaan ko agad ng tingin si Clyde kaya natawa ito. “Chill princess. Wala akong gagawin. I’m just here dahil nakita ko kayo. I just wanna say hi. Didn’t you miss me?”pa-cute nitong sabi.
Yayakapin nya sana ko ng harangan sya ng Yelo. Masama ang tingin sa kanya.
“Stop calling her princess. It’s not her name.” masungit na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Melting His Cold Heart
Teen FictionPaano kaya tutunawin ng isang Maria Del Valle ang nagyeyelong puso ng isang Tres Montefalco?