chapter 4

720 22 0
                                    

                                                          Napabalikwas na lang ako ng bangon ng maramdaman na may tumapik sa likod ko. wait.. asan na yun. Nagpalinga linga ako at tanging ang nurse lamang na syang gumising sa akin ang nakita ko.

“Nakaalis na sya, hija”

“Ahhh ganun po ba. Sige po aalis na rin po ako”

Argghhh ang lalaking yun. Walang utang na loob. Lagot ka sakin pag nakita kita.

Kinuha ko na ang bag ko at umuwi. Naiinis talaga ako sa Yelong yun. Hindi ba sya tinuruan ng magandang asal ng mga magulang nya. Grrrrr.

Nahiga na ako sa kama ko para sana matulog pero mukha ng Yelong yun ang nakikita. Kaylangan ko na sigurong magpatingin baka lumala pa to. kahit anong pilit ang gawin ko hindi talaga ako makatulog at panay mukha ni Yelo nung natutulog sya ang nakikita ko. Kaya lumabas na lang ako para magkape baka sakaling maiwasan ko ang pag iisip ng mga taong magiging sanhi ng bangungot ko. After ko uminom ng kape…………

*nahiga*

*bumangon*

*tumihaya*

*dumapa*

*gumulong*

Repeat repeat..

“Argghhhhh DAMN..  I wanna sleep”

Lumabas na lang ako  ng unit namin at naglakad lakad sa malapit na park. Maliwanag naman kasi madaming ilaw at tsaka maliwanag ngayon ang buwan. Madami ding guards na nagroronda kaya safe.

Time check: 11:30pm

Mabuti na lang 10a.m. ang start ng class namin bukas. Kaya pede akong magpuyat. Naupo ako sa isang swing at saka tumingala at pinanood ang mumunting ilaw sa kalangitan. Napakapeaceful ng gabing ito hayyyyy....

*boggshhhhh*

Narinig kong may bumagsak sa may bandang likuran ko.

Aish! multo kaya yun? Aswang ? manananggal?

Dahan dahan kong ipinihit ang ulo ko sa likuran at isang yelo ang nakita ko. Nakahandusay sa kalsada at mukhang lasing.

Binabawi ko na ang sinabi kong peaceful ang gabing to.

Aalis na sana ako dahil ayoko ko nang tumulong sa taong walang utang na loob pero parang may sariling utak ang paa ko at dumiretso pa rin sa lalaking walang utang na loob. Aish.

“Oy” pero parang wala syang narinig.

“Oy. Bumangon ka na dyan.” Sinipa ko na yung binti nya pero wala pa din.
Hayyyy kaylangan ko na talaga syang tulungan.

Kinuha ko na yung kamay nya para ipatong sa balikat ko at saka ko sya tinulungang tumayo.

“Kaya ko na. Umalihs ka na. I don’t need your help *hik*” halos mamilipit na yung dila nya ng sabihin nya yun.

“Yeah right. Ni hindi ka nga makatayo ng diretso eh. “ 

Tinangal nya ang ang braso nya sa balikat ko at maya maya pa ang nagsuka na sya kaya hinagod ko ang likod nya.

“Asan ba ang bahay mo ihahatid na kita”

No comment sya kaya tinignan ko na lang sa i.d. nya.

After nyang magsuka  ay kinuha ko na ulit ang braso nya hihigitin nya sana kaso napikon na ako at hinataw ko na ang batok nya para makauwi na rin ako. Malapit lang naman kung saan sya nakatira.  Nagelevator kami dahil nasa 4th floor ang unit nya. Pagtapat naming sa unit nya ay hindi ko alam kung paano bubuksan ang pinto. Hindi ko makita ang susi at ang isang to naman ay tulog na tulog at hindi alam kung gaano ako nahihirapan sa pagdadala sa kanya dito sa bahay nya. Dahan dahan ko syang ibinaba para hanapin ang susi pero ang isang to ay hindi bumitaw sa balikat ko kaya napasama ako sa kanya. Nakapatong na naman ako sa kanya.

“Susmariosep.. ang mga kabataan nga naman. Napaka mapupusok”

Napatingin ako sa nagsalitang matandang babae na katabi lang ng unit ng Kumag na to. Mukhang maghihisterical na eh.
Dali dali akong tumayo dahil sa kahihiyan. Nakita ko na ang susi at binuksan ang bahay niya. At dahil nainis talaga ako sa kanya ay sa paa ko na lang sya hinigit papasok ng bahay saka ko sya sinandal sa may sofa.

Iniikot ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay nya at masasabi kong parang sa babae ang kwarto nya.
Babaeng Burara.

Ang gulo ng unit nya grabe parang dinaanan ng bagyo. Nakita ko pa yung brief nya na nakapatong sa sofa. Aish naiinis talaga ako kapag madumi ang paligid kaya kinuha ko yung basket sa may gilid ng pinto. Ishinoot ko lahat ng damit nya na nakakalat sa basket at saka ko nilinis yung mga can ng beer at softdrinks at mga plastic ng chips. Nagwalis na din ako at saka ako pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Baka kasi pag pinilit kong mag luto ng sopas ay sumabog ang kusina ng Yelo baka matunaw yun pag uminit ang  ulo.

Akala ko magulo din ang kusina nya pero hindi. Ang linis sobra parang matatakot ang dumi sa sobrang linis at madudulas ang stains sa sobrang kintab ng mga gamit sa kusina nya.

“What do you think you’re doing?” bulong nya sa tenga ko na naghatid sa akin ng kilabot.  Kaya nabitawan ko ang hawak kong kutsarang panghalo ng kape.

Humarap ako sa kanya na isang maling desisyon dahil halos magdikit na ang mukha namin.


*tug dug tug dug*

Damn bakit parang biglang uminit ang mukha ko. Lumaban ako ng titigan ka kanya at mukhang ayaw nya ring magpatalo.

“Bakit ampanget mo?” bira nya. Kaya tinulak ko sya. Muntik na syang matumba buti na lang nahigit ko yung kamay nya. Natigilan pa ako nang makita kong nakatingin sya sa mga kamay namin kaya bumitaw na ako.

“Inumin mo na itong kape. Pampawala ng hangover.” Sabi ko habang nakatalikod sa kanya at kinukuha ang kape. Pero ang totoo nahihiya lang ako.

Iniabot ko na sa kanya ang kape, sa pag abot nya ng tasa ay nagtama na naman ang mga kamay namin. Parang nakuryente ako kaya parang napaso kong binitawan ang tasa ng kape. Buti na lang hawak nya ng mahigpit yung tasa.

Naglakad na ako papunta sa sala at napansin ang isang malaking bintana kaya sinilip ko ang labas. Nanlaki ang mata ko ng makita ang pamilyar ng kurtina na tanaw dito. Ang kwarto ko.
Napatingin ako sa wallclock at nakita ala una na ng madaling araw. Naiuntog ko na lang ang ulo ko sa pader dahil siguradong hindi ako makakafocus sa klase mamaya.

“Baka masira ang bahay ko dahil sa ginagawa mo. Baliw ka ba?”

Napatigin ako kay Yelo na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa at umiinom ng kape. Dapat pala nilagyan ko ng lason yung kape.
Tinignan ko sya ng masama at dumeretso na papuntang pinto.

“Uuwi na ako. Tigilan mo yang pag inom mo ng sobra dahil kung may problema ka hindi yun masosolve ng alak. Kung nagkataon na masamang tao ang nakakita sayo baka kung ano nang nangyari sayo.” Sabi ko saka humarap sa kanya na nakatingin sa direksyon ko.

“Kausap ang kaylangan mo hindi alak, hanap ka kaya tas bigayan mo ng piso” biro ko pa. Natawa ako sa biro ko dahil mukhang walang tatagal na kausap ang yelong to.

Agad na akong lumabas pero natigil ako saglit sa harap ng pinto nya.

“Salamat sa kape.”

Mahina lamang ngunit umabot hanggang puso ko ang bulong nyang iyon.

Tama ba ang pandinig ko?

Melting His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon