Chapter 20

273 10 2
                                    

Chapter 20

I was laughing while watching Vance and Kiel play. Parehas silang nagtatampisaw sa dagat at nakasampa pa ang kapatid ko sa balikat niya. My brother was having so much fun. Ang hagikgik nito ay nakakahawa kaya kahit na nanonood lang ako habang nakaupo ay nasisiyahan pa rin ako.

"Ate, sali ka po!" My brother shouted as he ran towards me. Nakasunod na sa kanya si Vance na basang-basa ang buong katawan. Ang patak ng tubig-dagat na nanggagaling sa dulo ng kanyang buhok ay dumidiretso sa kanyang malapad na balikat. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at hinagkan ang kapatid ko na ngayon ay namumula na ang pisngi dahil sa init.

"Alright, magpapalit lang ako ng damit," tawa ko at hinalikan ito sa pisngi. I got the rash guard beside me but Vance immediately snatched it from my hands. Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin pero hindi man lang siya nasindak.

"Let me see what's underneath that damn dress," he smirked and laid my rashie on the sand and sat on it. Agad na nanlaki ang mga mata ko kaya mabilis ko siyang tinulak palayo roon pero hindi man lang natinag ang gago!

"Vance! Ano ba? Susuotin ko pa 'yan!" Sigaw ko at pilit siyang tinulak.

"You don't need this. Just remove your dress."

"What? Ayoko nga!"

"Para saan pa pagsuot mo niyan kung hindi ko man lang makikita?" He arched an eyebrow at me.

"Seriously," I uttered under my breath and looked around. Maraming tao ang nagkalat at karamihan doon ay mga lalaki. "Come on, Vance. Ibigay mo na 'yan."

He smirked like I couldn't convince him. Lumapit sa akin si Kiel at hinila ang kamay ko pabalik ng dagat. Nagpatianod ako roon pero ang kapatid ko ay gusto pang magpunta sa malalim. The hem of my dress already touched the seawater that's why I had a second thought. Binalik ko ang tingin kay Vance na mas lalong napangisi dahil sa pagkakatigil ko. So without further adieu, I removed the damn dress.

Tinapon ko ito sa buhanginan malapit kay Vance. He was shocked at first but immediately smirked when he scanned me from head to toe. It revealed my black and white striped string bikini. Umirap ako sa kanya at sumunod sa kapatid kong nagtatampisaw na naman sa tubig.

Kahit nakatalikod na kay Vance ay ramdam ko pa rin ang talim ng titig niya sa akin. Parang kinikilabutan ako sa hindi malamang dahilan. Habang tumatagal, mas lalo akong naco-conscious sa itsura ko. Naputol nga lang ang pag-iisip ko nang sabuyan ako ng tubig ni Kiel. Humagikgik ito at mas lalo pang hinampas ang tubig papunta sa akin.

"Ah, gano'n, ha!" Ngisi ko sa kapatid ko at gumanti sa pagsaboy niya ng tubig sa akin.

We continued from splashing water on our faces. Tuwang-tuwa kami parehas at ako naman ay basang-basang na. Drips of water were on the tips of my now messy bun hair. Hinilamos ko ang palad aa mukha at sinabayan ng hagikgik ang kapatid.

"Taympers, Ate!"  He shouted and even gave me a gesture of surrender. Nang makitang tumigil ako ay ngumisi ito sa akin.

"Kiel! Huwag ka na lumayo!" I groaned when my brother ran away from me. Tumakbo ako para makasunod dito pero unti-unti rin bumagal ang bawat hakbang nang mapansin na papalapit kami sa grupo ng mga lalaki. I felt conscious because of it kaya pinilit kong huwag tapunan ng tingin ang kanilang banda. Though, I could still see them in my peripheral vision, checking me out.

"I wanna try that, please?" Kiel gave me a puppy-eyed look while pointing the surfing board. Tumawa ako at lumuhod para mag-level ang mga mata namin.

"That's dangerous. Besides, I don't know how to surf. Hindi kita matuturuan," ngiti ko sabay halik sa kanyang pisngi. Ngumuso ito kaya mas nadepina ang pagiging pula ng kanyang pisngi. I've tried surfing before but I'm not that good at it. Saka ko lang kasi ito nasusubukan kapag nagbabakasyon kaming pamilya sa Baler.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon