Chapter 29

246 8 3
                                    

Chapter 29

Sanya kept giving me ideas. She really had an agenda why she agreed to Keiko's offer. Simula noon ay hindi na niya ako tinigilan at mas lalo pang nagbibigay ng malisya kapag nakikita kami ni Vance na magkasama.

"Hindi naman pala sila! Sana noong unang kita mo pa lang sa kanila ni Vance, sinabunutan mo na!" aniya sa isang natatawang boses.

I rolled my eyes at her as I waited for the printer to print everything. May hawak-hawak itong mug habang sumisimsim sa mainit niyang kape at naghihintay na lang ng kanyang oras para sa site visit.

"Vance and I weren't a thing, Sanya," I told her.

Even if we were, I wouldn't do cat fights. If Vance really wanted to stick with me, he wouldn't let himself lay his eyes on other girls.

"Based on his actions, halata namang gustong-gusto ka niya. Baka natukso lang noong nakita si Keiko?"

I cocked my head on the side. No matter how many reasons Sanya gave me, I wouldn't take it. Nothing could justify his actions. Vance left me without even saying a single word. I just woke up one day, he was nowhere to be found and when he came back, he was with another girl.

A real lover can't be stolen.

What we had is just nothing but a game. Isang laro na hindi dapat siniseryoso kasi kapag nahulog ka, talo ka. Ganoon lang ang gusto ni Vance. Alam ko naman na umpisa pa lang, wala kaming assurance sa isa't-isa kaya wala akong karapatan na mag-inarte ngayon dahil kasalanan ko naman.

"Kahit isang sabunot lang? Ako na gagawa para sa'yo. Nakakainis kasi," habol pa niya.

I shook my head. "That's the last thing that I will do---to engage in a fight with a girl over a man," I told her as a matter of fact.

Tinapos ko lang ang trabaho ko sa umagang iyon at sumama sa site visit nang maghapon. Wearing my reflectors, safety shoes and hardhat, I climbed up on the stairs each floor. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat sulok ng ginagawang building. Whenever there was a steel blocking my way, Vance would help me to step across from it. Pati ang pag-iwas sa scaffolding ay nakaantabay siya sa akin.

"Careful," he whispered beside me.

"I can do it, Vance! Hindi mo na ako kailangang tulungan," sambit ko, nagsisimula na naman sa pagkakairita sa kanya.

Maraming sinasabi si Engr. Santibañez habang kausap ang architect. They were holding the blueprints and they were checking if the designs were done correctly according to plan.

I took the stairs because the elevator isn't yet ready. Maingat akong humakbang sa bawat baitang at sinuyod ang bawat palapag.

"Oro, plata, mata. Oro, plata, mata. Oro..." I mumbled to myself every time I lift my foot to place it on a step.

Ang ibang construction workers ay bumabati sa tuwing makikita ako. I would smile back at them to give back the courtesy.

Umakyat muli ako sa isang palapag para masuri rin ito. Nakarinig ako ng ingay sa likod ko at napansin ang isang apprentice mula sa architecture department. Umirap ito sa akin nang magtama ang mga mata namin. My jaw dropped because of that.

I scoffed.

Ang attitude!

"Boyfriend mo?" she asked all of a sudden. I arched my eyebrow as I looked at her unbelievably. "'Yung gwapo, boyfriend mo?" ulit niya.

"Hindi."

"Good, hindi naman kayo bagay."

Pagak akong natawa at hinarap siya. "Sa'yo na kung gusto mo," irap ko. Inikot ko ang paningin ko at umakyat pa sa sumunod na palapag. I avoided to have a conversation with her again, but she kept following me.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon