Chapter 18

251 8 0
                                    

Chapter 18

I was holding a stack of papers as I walked on the hallway. Medyo makapal iyon pero hindi ganoon kabigat. Tumunog ang cellphone ko na naka-patong doon at nakitang si Silverio ang tumatawag. I was holding the papers using both of my hands kaya humanap muna ako ng pagpapatungan bago iyon nasagot.

"Hello?"

"Where are you?" He asked over the phone. I rolled my eyes inwardly and smirked a little.

"Why? Miss mo na kaagad ako?" Biro ko at bahagyang natawa pa.

"Asa ka naman! Nasaan ka nga?"

"Kalalabas ko lang ng faculty, why?"

"Don't move. Hintayin mo ako," aniya bago pinatay ang linya.

Naupo muna ako sa gilid at pinasadahan ng tingin ang mga naglalakad na estudyante. This is my dream university. Sa probinsya pa lang ay matunog na matunog na ang paaralang ito lalong-lalo na pagdating sa pag-iinhinyero at pag-aabogasya. SAU always tops the board and bar exams. Kung hindi naman nakuha ang top one, pasok naman sa sampu at halos one hundred percent ang passing rate.

I stood up when I saw Silverio approaching me. Kinuha ko na rin ang mga papel at sinalubong na siya. His brows furrowed when he saw me. Umirap ito kalaunan at kinuha sa kamay ko ang mga papel at siya na ang nagbuhat.

"Why are you holding these, anyway?" He asked, motioning the papers.

"Engr. Uso asked me to bring those to him."

"Where is he? Bakit ikaw pa?"

"Sa archi building," kibit-balikat ko. "Favorite ako no'n, e," I joked.

"'Di nga?"

"Joke lang! Why? Singko ka siguro sa kanya."

He was half-smirking and half-smiling as we walked side by side. Binalingan pa ako nito ng tingin, tila nagyayabang. "Hindi, ah. If I'm not mistaken, 1.75 ako sa kanya," he said.

"Ang yabang naman," I teased, wrinkling my nose gently.

"Just stating a fact," he said arrogantly and we both laughed.

Silverio was a bit talkative until we reached the building. Hindi ko na kasi siya kaklase ngayong semester dahil hindi nagtama ang aming schedule pero madalas pa rin kaming magkasama pagkatapos ng klase. We decided to use the elevator when we got there. Nagulat nga lang nang may makasabay na familiar ang mukha.

Kean Ravana got inside the lift with us. My eyes widened in shock when I saw him but immediately composed myself. Kung dati ay wala akong pakialam sa presensya niya, ngayon ay mayroon na! He's Vance's brother for Pete's sakes! Pakiramdam ko ay masyadong maliit ang elevator para sa amin. Tatlo kami roon at halos dumikit na ako sa dingding para lang mapalayo sa kanya. He was sporting a serious look with his brown orbs looking at my reflection in front. Halos kabahan ako sa tindi ng pagtingin niya sa akin. He was like scanning me from head to toe. Silverio was oblivious to the tension building up between me and Kean pero baka guni-guni ko lang iyon at baka ako lang talaga ang nakakaramdam ng tensyon?

Nag-iwas ako ng tingin at hinagod ng daliri ang aking buhok. I could still see him in my peripheral vision, though. He licked his lower lip and massaged the bridge of his nose. Nag-iwas na rin ito ng tingin sa akin pero mabilis ding nabalik nang magsalita si Silverio.

"Lunch na tayo pagkatapos nito?" aniya.

"Uh, yep," I answered, clearing my throat a bit.

Lumipat ang tingin niya sa kasama ko at ngayon ay nakakunot na ang noo. I could see judgment in his eyes. Hindi rin naman nagtagal ay bumukas na ang elevator at hindi muna ako gumalaw para paunahin na si Kean. He advanced and gestured the way to me. Nagulat pa ako roon pero kalaunan ay tumango na lang at nagpatiuna na sa paglabas.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon