Chapter 06

305 9 3
                                    

Chapter 06

I was quiet during the whole ride. Kanina pa ako naka-simangot at hindi tinatapunan ng tingin si Vance. He literally dragged me away from Silverio! Sobrang nakakainis. Hinalikan lang ako kagabi tapos kung makaasta akala mo pag-aari na ako!

"What's with the face?" He said, eyes were still fixed on the road.

I scowled. "You were being rude, Vance. I told you, may gagawin pa kami ni Silverio," irap ko.

"Ano'ng gagawin niyo?" tanong niya. He gave me a glance with eyes darting daggers at me. Ano ba problema ng taong 'to?

"We'll just grab some milk teas! Ano ba iniisip mo?"

"You're craving for milk tea? Alright, baby, I'll buy you one."

I groaned. This is so frustrating! "It's not like that! Ililibre ko lang 'yung tao kasi sobrang down niya dahil mali mga nasagot niya sa seatwork."

"Really?" He glanced at me once more. Nakataas na ang isang kilay nito at may panunuya sa boses.

"Really, Vance. Really," irap ko.

My lips were already in a grim line as he focused on driving. Kanina ko pa rin napapansin ang paulit-ulit niyang pagnanakaw ng tingin sa akin. Bahala siya sa buhay niya!

"Let's stop—"

"Hindi na. Iuwi mo na ako. Naghihintay na ang kapatid ko sa akin," putol ko sa kanya.

"May naghihintay pala pero gusto pang mag-milk tea kasama ang ibang lalaki?" he grinned.

"Bakit ka ba gan'yan? Why are you acting like that?"

I faced him and stared at him blankly. Mabilis namang nag-iba ang kanyang expression at namula pa ang pisngi, tainga pati na rin ang kanyang leeg. Hindi niya ako sinagot at pinatong na lang ang siko sa bintana. His fingers played with his pouting lips as he lazily drove back at home. Kaagad din naman akong nag-iwas ng tingin at humarap na lang sa bintana.

Nang makarating sa apartment ay mabilis akong umakyat sa third floor. Ramdam ko pa rin ang presensya ni Vance na nakasunod lang din sa akin. Naabutan ko si Ate Sierra na abala sa pagluluto at ang kapatid ko ay wala roon.

"Nandito ka na pala. Si Kiel ay kinuha ni Ada kanina pa," aniya na hindi man lang inaalis ang tingin sa kanyang niluluto.

"Sige, Ate," sambit ko at nagdiretso sa kwarto. Bago pa ako tuluyang makapasok ay napansin ko pa ang pagbaling ni Ate Sierra sa lalaking nasa likod ko. I shrugged it off and proceeded to my room. Mabilis akong naligo at nagbihis. Namataan ko si Vance na nakaupo sa sala at marami ng paper bag na nakapatong sa coffee table. Pinagtaasan ko siya ng kilay at isa-isa niya namang nilabas ang mga laman no'n.

"Nagpa-deliver ako," aniya. "Hindi kita natanong kung anong gusto mo so I ordered their best sellers."

Napangiwi ako sa sampung milk tea na naroon. Mayroon pang tatlong kahon ng pizza na kaagad ko namang inilingan.

"You're unbelievable! Paano mauubos 'yan? Seriously?" sambit ko. He just chuckled and motioned the food in front of us. Umirap ako sa kanya at kinuha ang dalawang milk tea at isang kahon ng pizza. I gave it to Ate Sierra then I came back to the couch. Pagkatapos, kinuha ko ang tatlo at nilagay iyon sa refrigerator. Vance didn't say anything. Tahimik lang siyang nagmamasid sa akin at hinihintay akong matapos sa ginagawa ko. "Get the others," I said then opened the door.

"Where are we going?"

"Ate Ada. Sa apartment na lang niya natin kainin 'yan. Also, I want to introduce you to her para naman hindi na siya magulat kapag may ibang lalaki sa apartment namin ng kapatid ko."

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon