Chapter 05

308 11 1
                                    

Chapter 05

I've never seen Vance again after that hilarious encounter. Honestly, it was okay for me because I didn't like the idea of him, bugging me. Pero noong nagpunta ako kina Sandro para mag-tutor kay Sabine, nandoon siya pero hindi niya ako pinapansin. So in the end, hindi ko rin siya pinansin.

"Nice, DL ka na naman, girl," tipid akong ngumiti kay Zhavia. She gave me a one thousand peso bill. "Keep the change," she winked before kissing my cheek and walked away.

Ginawa ko kasi sila ni Keiko ng paper works sa Filipino. It wasn't that hard but these two were just lazy to even do it. Marami naman akong free time kaya ginawa ko na. Besides, sayang naman 'yung income.

Dinala ko ang gamit ko at lumabas na ng classroom. I walked outside the campus and waited for a jeepney. Sumakay ako roon at hinilig kaagad ang ulo sa gilid para makapuslit ng tulog. Pagod na pagod ako ngayong araw.

"Putangina naman, oh!" sigaw ko nang maramdaman na kanina pa sinasadya ng katabi ko ang pagkiskis ng braso niya sa gilid ng boobs ko. At first, I didn't mind it because I thought it was just an accident pero kalaunan ay sinasadya na. Nilabas ko ang engineering book ko na makapal at hinampas sa ulo niya. Tangina niya, ha!

"Ano ba, Miss?" Sigaw nito sa akin at patay-malisya pa.

"Anong ano ba? Bastos ka, e! Kanina mo pa ako hinihipuan!"

Umingay ang mga kasama namin sa jeep at 'yung isang lalaki na nasa harapan ko ay kinwelyuhan niya 'yung bastos at sinuntok. Pagkatapos, sinipa papalabas ng jeep. Tinanong pa ako kung gusto kong ipapulis pero tumanggi na ako. Sapat na iyong naiuntog ko siya sa jeep at nasuntok noong lalaki.

"Hindi talaga maiiwasan na may mga ganoon, hija. Mag-iingat ka na lang sa susunod," sambit ng matandang babae sa gilid ko. Tumango na lang ako at humilig muli sa jeep. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga.

Nang makarating sa apartment ay kaagad kong naabutan si Ate Sierra na naglalaba sa first floor. Napaangat ako ng tingin sa kwarto namin dahil baka kung ano na ang nangyari kay Kiel dahil mag-isa siyang naroon. Tumayo si Ate Sierra nang makita ako at lumapit sa akin.

"Ate, si Kiel po?" Tanong ko.

"Naroon ang kaibigan mo, Maeve. Sinabihan ako na siya muna magbabantay sa kapatid mo habang hinihintay ka. Nakapaglinis na rin ako ng kwarto niyo at nagluto na rin ako ng hapunan," aniya na kaagad na kinunot ng noo ko. Kaibigan? Sino?

"Po? Sino?"

"Nakalimutan ko ang pangalan pero lalaki."

Tumango ako at mabilis na tumakbo paakyat ng third floor. Kaibigan? Sino? Oh, gods, don't tell me it's Silverio? Masusuntok ko talaga siya kapag nagpunta siya rito nang walang pasabi.

I halted from entering our room when I saw who was inside. Laglag ang panga ko nang makita ang kapatid kong tumatawa at nakikipaglaro sa lalaking nasa sala. Vance looked at me with his serious eyes. Tumikhim ako at dahan-dahang pumasok.

"Ate!" Kiel beamed and enveloped me in a tight hug. Yumuko ako at hinalikan siya sa ulo.

"Hey, how's school?"

"It's fine, po. I got stars!"

"Very good, baby! Sige na, laro ka na ulit." Sambit ko habang ipinapatong ang bag ko sa couch. I sat on it. Ramdam ko pa rin ang titig ni Vance sa akin kaya hinarap ko na siya. I even cleared my throat before asking him. "Bakit nandito ka?"

I suppressed a smile when I saw his eyes got darker. Bumaling pa ito kay Kiel na nasa sahig na ngayon at pinaglalaruan ang tubig na nasa fish bowl. Mapapatay na naman niya 'yung gold fish na nabili namin noong Sunday.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon