Chapter 16

261 8 2
                                    

Chapter 16

I heaved a deep sigh as I succeeded from removing his arms around me. I immediately went to the restroom and tried hard to calm my nerves down. Akala ko'y mauubusan na ako ng hininga kanina. It's been more than a month since the last time we saw each other.

Inayos ko ang buhok ko at kumuha ng tissue para punasan ang pawis ko sa leeg at batok. When I got contented, I went out of the restroom and I saw Vance waiting for me outside. Umayos siya ng tayo at nilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa. I tilted my head and walked passed by him. Nakasalubong ko si Silverio na nakabalik na at hinahanap ako.

"Maeve---" Silverio stopped for a moment when he saw Vance behind me. Hinarap ko siya at tipid na ngumiti.

"My bag's in your car. Kukunin ko na at mauuna na akong umuwi," I said. Medyo malakas ang pagkakasabi ko noon para magkaintindihan kaming dalawa.

"Let me drive you home," Vance said. Mabilis akong umiling at tiningnan siya na blangko ang ekspresyon.

"I'll just take a cab," tipid akong ngumiti kay Silverio.

"Wait me here," he said before turning his back on me. Sinundan ko siya ng tingin habang humahalo siya sa bundok ng mga tao. Pagod kong tiningnan si Vance bago nagtuloy palabas ng club. I went straight to the parking lot and looked for Silverio's car. Tahimik akong tumayo sa gilid noon at hinintay na lang ang kaibigan.

"Maeve," huminga ako nang malalim nang makita si Vance na sumunod sa akin. He was walking leisurely as he looked directly in my eyes. "Please, let me take you home," he whispered.

"Kaya kong umuwi mag-isa," sambit ko.

"Do you think I would let you go home by yourself?"

Pagak akong tumawa. "Umuuwi na ako mag-isa kahit noong hindi pa kita kilala. Kahit nitong mga nakaraang linggo, umuuwi akong mag-isa kaya please lang, stop saying that you wouldn't let me go home by myself," I sarcastically said. I even swallowed the tears forming on the side of my eyes.

Shit, lasing na nga yata talaga ako.

"I'm sorry," he sighed deeply. "You told me to stay away from you. Ginawa ko naman 'yung gusto mo pero bakit parang galit ka? Why are you acting this way, Maeve?"

"Why would I get angry for something that I want you to do? Stop being assuming, Vance," I smirked at him. Before I could even say more, dumating na si Silverio at seryosong nakatitig sa akin.

"Ihahatid ka ba?" He quietly asked, gesturing Vance behind us.

"Nope. Cab na lang," sagot ko.

He massaged the bridge of his nose, looking frustrated again to my actions. "You're such a heartbreaker, Maeve," he shook his head. "Hop in. I'm gonna take you home."

Pinatunog niya ang kanyang sasakyan bago sumakay roon. I sighed heavily as I looked at Vance standing on the side. He looked so hurt and disappointed at the same time. Nagbaba ako ng tingin bago tumalikod at sumakay sa sasakyan ni Silverio.

I was dead tired when I got home. Nagpasalamat lang ako sa nanny ni Silverio bago sila hinatid pababa ng apartment.

"Pasensya na po kayo at pati kayo ay naabala pa," hingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Wala iyon, hija. Masyado lang talagang makulit ang alaga kong ito kaya hindi ka rin talaga makakatanggi," tawa niya.

I looked at Silverio who was giving me a goofy smile. I playfully rolled my eyes at him and nudged him on his side. Hinatid ko sila sa labas hanggang sa makaalis na ang sasakyan ni Silverio. Nagulat nga lang pagkatalikod ay nakita ko si Vance sa hindi kalayuan. Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa gulat at kaba. He walked towards me and his eyes looked so soft on me.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon