Chapter 35

274 10 0
                                    

Chapter 35

Polo really knows how to prioritize my needs. Bilang graduation gift niya para sa akin, siya ang gumastos para sa bayad ko sa review center. He said that I needed it more than any material things kaya iyon ang naisipan niyang regalo. I told him that it was too much kaya hindi ko iyon matatanggap. Alam naman ni Ate Ada na may nilaan akong pera para sa review pero siya pa ang nagsabi kay Polo na ubos na ang savings ko.

"Ate! It's just really too much. Hindi niyo naman responsibilidad na bayaran lahat ng mga gastos ko sa buhay."

"Maeve, you didn't force us to pay for it. Just accept it as a graduation gift," Polo said.

Tumango si Ate Ada. "Graduation gift naman talaga iyon," she second the motion.

Sa huli, wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon. Sabay ko silang niyakap at paulit-ulit na nagpasalamat.

My review days already started and I could say that I was doing okay. The four of us are attending the same review center. Just like what other told us, we shouldn't review under the pressure. Iyon din naman ang sinabi sa akin ni Ate Ada pero pakiramdam ko, mataas na ang expectations nila sa akin na makakapasa ako.

"Ito CE Board November 1993," binigay sa akin ni Sanya iyong librong gamit niya. We got lots of book references. Sabi pa ng prof namin dati, may mga tanong na nauulit so kapag nakita na namin iyon at naalalang na-review naman, piliin na kaagad ang tamang sagot. Mas makakatipid kami sa oras dahil saktong-sakto lang daw iyon.

Si Sanya muna ang sinamahan ko mag-review ngayon at sinabi kay Vance na si Sandro na lang ang guluhin niya. Kapag kasi naglalagi siya sa apartment at sumasabay sa akin mag-review, laging may kalokohan na iniisip.

"Sure ka ba na hindi tayo mapapaalis dito?" tanong ko muli.

"Oo, tropa ko na mga crew rito. Minsan nga walong oras ako rito tapos isang cup lang ng kape ino-order ko," tawa niya. "Sobrang lamig nga lang kaya pinagdala kita ng jacket."

Tumango ako. "Sabagay, tahimik pa. 'Tsaka di naman tayo ganoong pansinin kasi nasa sulok tayo."

Tahimik kami ni Sanya na nag-review at nagtatanungan na lang kapag may mga nakalimutan o hindi namin masagot na problems. Kapag napagod naman, humihinto kami para magkwentuhan o kaya umo-order kapag nagutom.

"Nahihiya nga ako minsan kasi si Papa pinagkakalat na sa buong barangay namin na engineer na ako. Ang sabi pa, kapag nakapasa na ako, ipagpapagawa niya ako ng tarpaulin tapos sa kanto namin ilalagay para maraming makakita."

I chuckled because of that. "He's just so proud of you. Ganoon talaga, nakapagpatapos na kasi sila ng anak."

"Pero hindi pa naman ako engineer."

"We will be. Let's claim it already."

Tatlong beses sa isang linggo kami pumapasok sa review center. So far, so good. Hindi ko nga lang maiwasan na hindi kabahan kapag naiisip kong papalapit na ang araw ng board exam. Wala pa namang specific date pero ang maisip na paparating ang month ng November, parang kinikiliti na ang sikmura ko.

"Sa'min ka mag-apply," taas-baba ang kilay ni Vance nang umupo sa tabi ko. He already has his own study table inside my room. "Wait, you don't need to apply because you're already hired."

Umirap ako at inismiran siya. Sinarado ko ang librong hawak at tinabi ang mga sticky notes na dinidikit ko sa pahina ng libro.

"Ayoko," tipid na sagot ko.

"What? Why?" he looked confused, brows furrowed.

"How can you be so sure to act professionally when we're working together?" I asked him, eyes turned into slits.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon