Chapter 22

237 9 0
                                    

Chapter 22

Kiel got the first place. Tuwang-tuwa kaming lima nang tinawag siya sa stage. He was all smiles as he showed to us his gold medal. I was happy and proud of him at the same time. Panay ang kuha ko sa kanya ng litrato dahil isa na naman ito sa mga achievements ng kapatid ko.

He was so hyper and bubbly after the awarding. The three decided to eat outside kaya pinaunlakan ko na kasama si Kiel at Ate Sierra. Hindi na kami nag-abala pa na magtagal dahil pagkatapos kumain ay inantok na ang kapatid ko sa sobrang pagod.

"Was that the reason why you didn't even invite me?" Vance asked me as we walked on the stairs. Si Kiel ay tulog na kanina pa sa sasakyan kaya buhat-buhat na niya ito.

"What? May klase ka kaya!" Umirap ako at binuksan na ang pinto ng apartment. "And why was Sandro there? 'Di talaga kayo pumasok."

"Nagulat din ako na naroon si Sandro... pero mas nagulat ako na kasama mo si Darko," aniya sa isang supladong boses. Halos lumabas sa ilong ko ang tawa pero mabilis din na sineryoso ang mukha nang humarap ito sa akin. Ang arte talaga!

"Gusto niyang sumama kasi tinamad siyang pumasok."

"Really? Seems like he had another agenda."

Umiling ako at dumiretso na sa kwarto ni Kiel. Inilapag naman niya ang kapatid ko sa kama kaya isa-isa ko nang tinanggal ang sapatos nito.

"Of course, he wanted to accompany me knowing that I would go there alone," I explained.

"And you didn't bother asking me? Heck, I'd immediately say yes to you."

"Wala naman kasi akong balak na abalahin pa kayo. Nakasalubong ko lang si Silverio at nagpumilit siya."

"It's for Kiel, Maeve," he said in a firm voice. Ngumuso ako at lumabas na ng kwarto at sumunod naman ito sa akin.

"I know."

He sighed as a sign of defeat. Lumapit ito sa akin at pinulupot ang braso sa aking baywang. I got conscious to my smell and was about to step back when he pulled me closer to his chest.

"Promise me that everything includes you, you'll tell me, okay?"

Unti-unti akong nag-angat ng tingin at tumango.

"Okay," I said using my small voice. "Sige na, maliligo muna ako."

"Sabay tayo?" he wiggled his brows while giving me a goofy smile. Umirap ako at tinulak siya palayo sa akin.

"Not because I already had my shot, we'll do that every chance that we get," singhal ko sa kanya.

Tumawa ito at kinamot ang batok. He even licked his lips and smiled mischievously. "I was just kidding. Go na, take a shower before I change my mind."

Mabilis ko siyang kinurot sa braso bago nagta-takbo papasok sa kwarto para kumuha ng damit. Narinig ko pa ang halakhak niyang umalingawngaw at tila nang-aasar pa.

Nang mag-gabi ay binisita kami ni Ate Ada sa apartment. Binigyan niya pa kami ng pagkaing niluto niya para sa hapunan. Kiel enthusiastically told her the activities we had in his school. Aliw na aliw naman si Ate Ada at tinulungan pa nitong magbukas ng regalo habang ako ay abala sa plates na ipapasa sa susunod na linggo.

"Nasaan 'yung boyfriend mo?" she asked me when she let Kiel play in his room. Umupo ito sa couch na nasa harapan ko dahil ako ay nakasalampak sa sahig sa sala. I used our coffee table while doing my plates.

Si Vance ay pinalayas ko muna sa apartment dahil nanggugulo lang sa akin. Hindi ko matatapos ang mga plates ko sa araw na tinalaga ko kung patuloy niya akong maaasar sa simpleng pag-ngisi niya sa akin.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon