Chapter 12

243 13 0
                                    

Chapter 12

I asked Ate Ada a favor if I could leave Kiel to her for the whole night. Sa umaga ko na lang ulit siya kukunin dahil ayoko namang maabala pa sila dahil panigurado'y madaling araw na kaming makakauwi nito. She immediately agreed to it at masayang-masaya pa sa binalita ko.

"Tamang-tama at may katabi ako mamayang matulog," she giggled kissing my brother on his cheek. Ngumuso ako at napabaling kay Polo na nasa harapan ko.

Polo chuckled. "Galit sa 'kin," he mouthed at me and crossed his arms against his chest. Napangiti ako at tiningnan naman si Ate Ada ngayon na nagsu-suplada.

"Pasensya na, Ate. Hindi lang talaga ako makatanggi dahil hindi na rin ako sumisipot sa meetings ng soro," I said, biting my lower lip.

"It's okay, really. Timing nga at gusto ko ring mag-enjoy ka naman. Hindi 'yung puro aral at alaga ka rito sa kapatid mo," aniya at umismid kay Polo. Natawa naman ang huli at pinagtaasan ng kilay si Ate Ada. "Sino kasama mo? Sino mag-uuwi sa 'yo?"

"Vance is going with me, Ate."

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Really, huh?"

"Well... he'll drive me home too, so..."

She nodded. "Mabuti na nga na may kasama ka. Kapag nalasing si Vance at hindi kayang mag-drive, tawagan mo 'yung lalaking 'yan," patukoy niya kay Polo.

I pouted to suppress my laugh. Si Polo ay nagpapapansin naman kay Ate Ada pero sadyang hindi lang marupok si Ate. I kissed Kiel on his head before going back to our own apartment. Siguro ay matagal na suyuan pa ang mangyayari sa dalawang iyon kaya pinili ko na ring umalis na.

I sat on the couch as I sent a message to Zhavia. Sinabi ko na lang na pupunta ako at may damit na kaya hindi na ako pupunta sa kanyang condo.

From: Zhavia

Siguraduhin mo lang, Maeve. I'm gonna pull your hairs out if you don't show up.

I smirked as I read the text. I rested my head on the backrest and closed my eyes. Maaga pa naman at kakakain lang din namin kaya hindi ko rin kailangang magmadali.

There was a knock on the door and I just lazily opened it. Gulat pa akong nilakihan ang bukas ng pinto at tumambad sa akin si Vance. He was wearing a vintage style chiffon stripe shirt that was folded on his elbow. Bukas ang unang butones nito sa taas at hapit sa kanyang katawan kaya kitang-kita ang kalakhan nito. He was also wearing a silver thin plain necklace, a rolex on his left wrist and his hair was perfectly combed. Sa baba naman ay itim na pantalon at boots.

"Bakit ang aga mo?" Tanong ko sa kanya at bumalik sa pagkakaupo sa sala.

"Baka iwan mo ako," he said and sat beside me. Kumunot ang noo ko nang tiningnan siya at kalaunan ay pinagtaasan din ng kilay.

"What? We already talked about this, 'di ba? Ano pinagsasabi mo riyan?"

He shrugged.

"Maliligo na ako. Bahala kang maghintay," I got up and walked towards the bathroom.

I took my time showering. Hindi ko na rin inintindi si Vance roon dahil siya naman ang may kasalanan. I scrubbed every part of me and washed my hair properly. Nang matapos ay nagtapis lang ako ng tuwalya at lumabas na. I saw him watching television with his elbow propped on the armrest and chin resting on his palm. Halos magtatakbo na ako sa loob ng kwarto para hindi na niya ako maabutan na ganoon ang ayos.

I chose a black short sleeve off shoulder v-neck bodycon bandage jumpsuit. It's not that revealing only that my cleavage is showing. I applied a little bit dark eye makeup and nude color on my lips. I even blow dried my hair and straightened it. I only had two pairs of high heels so I chose a pair of ankle strap stiletto high heel sandals. Nagpisik din ako ng pabango sa aking leeg at pulupulsuhan at umupo na sa kama para suotin ang stiletto. Sakto naman na pumasok si Vance sa kwarto at nakita ako sa ganoong ayos.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon