Chapter 44

289 13 0
                                    

Chapter 44

Halos umagahin na kami bago nakauwi sa apartment. Hindi naman naparami ang inom ko pero napagod ako dahil sa daming kinausap at bumabati sa amin. Parang halos lahat ng tao sa night club ay kilala ni Vance. Parang planado ang lahat at hindi biglaan.

"Good morning," Vance said in a husky voice. He squeezed himself against my neck and pulled me closer to him.

Tuluyan ko nang naidilat ang mga mata ko at ngumiti sa kanya.

"Good morning," I whispered and checked my face for any blemishes. "Anong oras na? Baka gising na si EJ." I told him and was about to get up but he stopped me.

"I checked them earlier and no one was opening the door," he answered, closing his eyes.

Natahimik ako at napatingin sa kisame. I still can't believe what happened last night. Vance and I are now engaged!

"What are you thinking, hmm?" he asked and propped his elbow on his pillow. Ipinatong niya sa kanyang palad ang baba at tinanaw ako.

"Are we really getting married?" I asked him quietly. Sinalubong ko ang kanyang mga mata at nakitaan ko ito ng takot at pag-aalala.

"W-why? Don't you wanna get married?"

"Gusto," sagot ko.

"Then, what are you thinking? Can you tell me what's bothering you?" he whispered. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Ilang minuto pa siyang tumitig sa akin bago humugot ng malalim na hininga. "Kung iniisip mo na kaya pakakasalan kita dahil kay Ezekiel, hindi totoo iyon. I'll marry you because I want to... because I love you."

"Hindi naman sumagi sa isip ko 'yan kagabi pero ngayon ay binigyan mo ako ng idea," ngisi ko.

He groaned, pulling me closer to him again. "I waited for you not because you asked me to. I waited because I know that my heart will always find its lover."

I chuckled and turned my eyes into slits. "Ang corny, huh?"

"I'm serious, though."

We just talked for a little bit longer before we decided to get up. Inayos ko ang aming kama at nagtali ng buhok bago tuluyang lumabas ng kwarto. Vance was busy cooking the breakfast at ako naman ay dumiretso sa unit ni Polo. I knocked on the door thrice before it finally opened.

"Ate Ada!" I giggled the moment she opened the door. Malaki ang ngisi ko nang niyakap siya at halata sa mukha niya ang gulat. "Akala ko kukunin mo lang si EJ. Dito ka na pala natulog."

"Ayaw ibigay sa 'kin ni Polo si EJ. Sa kanya mo raw iniwan," aniya at nag-iwas ng tingin.

"Hindi, ah! Siguro hindi lang kami nagkaintindihan," ngiti ko. "Gising na po si EJ?"

"Hindi pa. Kagigising ko lang din at hindi pa ako nakakaluto ng almusal."

"Huwag ka na magluto, Ate! Nagluluto na si Vance kaya sabay-sabay na tayo."

"Baka magluto si Polo. Bahala siyang kumain mag-isa."

I chuckled. "I guess I should talk to him about it."

Parang nagda-dalawang-isip pa si Ate Ada kung yayayain akong pumasok sa unit. She seemed so pretty defensive just by looking at me. Ngumuso lang ako at hindi na siya tiningnan para hindi siya mailang.

"EJ slept in the other room," she said before motioning me to sit on the couch. Tumango ako at inikot ang paningin sa kabuuang unit. Just like years ago, ganoon pa rin ang itsura nito. May kaunti lang na nabago at nadagdag.

"Tabi kayo, Ate?" tanong ko, nagmamaang-maangan.

"Uh, no. I slept in my old room."

"Tabi kayo ni Polo?!"

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon