Chapter 25

234 8 1
                                    

Chapter 25

"Really, Maeve? How much do you need? Papahiramin kita bilang kaibigan," Silverio told me. Kanina pa ako nito sinusundan kahit ilang beses ko na siya itinaboy at sinabihan na ayos lang ako. "Hindi ka nga pumasok kahapon, tapos ganito naman."

"Ayos nga lang ako. I just need to get these para extra income," paliwanag ko.

"Why? Hindi ba makakalabas si Kiel sa ospital?"

Tumawa ako at pinitik ang kanyang noo. "Hindi pa fully okay si Kiel. He still needs to be there."

"Then, why are you doing these to you?!"

"I told you, I need to earn a living."

Last night, I asked Zhavia if she's looking for someone to do her laboratories and she was screaming to death when she said yes to me. Pero pagkaraan ng ilang minuto, tumawag muli ito sa akin at sinabing huwag na pala dahil si Keiko raw pala ang naghahanap. I got confused with it, but in the end, nakuha rin ang nangyari.

I can't do their laboratories together because Keiko and Zhavia are blockmates. Ang isang nakuha ko ay kay Molly.

"Seriously, makakatulog ka pa ba niyan?"

I sighed. Honestly, no... maybe? I guess, two hours is enough.

"For Kiel, Darko."

For Kiel.

Pagkatapos ng klase ko ay nakita ko si Sandro na naghihintay sa akin sa labas ng aming college. He smiled at me when he saw me. Si Sanya naman ay iniwan na ako at tinanguan si Sandro bago tuluyang umalis.

"I'll drive you to the hospital. Doon ka rin naman na didiretso, right?"

Ngumiti ako at tumango. "Yep, nagdala na rin naman na ako ng gamit. Ako naman papalit kay Ate Sierra para magbantay kay Kiel."

Sandro kept asking me about Kiel's condition while driving our way to the hospital. Sa backseat, may mga pinamili pa ito at ang ibang laruan ay galing pa kay Sabine. He told me that Sabine wanted to see Kiel, but her schedule doesn't fit ours. Besides, she can't go to the hospital just like that. Mahirap na rin dahil hindi naman private room ang kay Kiel at baka magkasakit pa siya kapag nagkataon. Ang malaman na nag-aalala siya para sa kapatid ko ay sapat na iyon para sa akin.

Kiel was sleeping when we got there. Humalik ako sa kanyang noo at naupo sa kanyang gilid. Inilapag ni Sandro ang mga dala niya sa side table at naupo sa couch.

"Mataas pa rin ang lagnat niya, Maeve. Umiiyak kanina dahil parang nagde-deliryo at naglabasan na rin ang kanyang rashes," ani Ate Sierra.

Itinaas ko ang kumot ni Kiel at tiningnan ang buo niyang katawan. His legs were so red because of so much rashes. Ang mga braso nito ay mayroon din pero mas natadtad ang kanyang mga hita at binti.

I sighed when I realized how hard his situation is. Ang sabi pa ng doctor ay pati ang buong katawan nito ay sasakit. Kung ako ngang matanda na simpleng trangkaso lang ay nahihirapan na... What more pa kung batang kagaya ni Kiel. If only I can take his pain, I will.

Nang maghapunan ay dumating si Ate Ada. She bought us dinner and more fruits for Kiel. Ang katabing pasyente ay isinabay na namin sa pagkain dahil kahapon ay nakasundo ko na rin ang nanay ng batang babae. She's Ate Amy and her kid's name is Lilo who is suffering from kidney disease. Ang buong katawan nito ay halos manas na dahil sa karamdaman. I really couldn't glance at her for too long because I really, really feel bad. Kung sana ang mga anghel na kagaya niya ay masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan at hindi sa ganitong sitwasyon. She's still young to suffer like this. The kid doesn't deserve it.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon