Chapter 23

236 8 0
                                    

Chapter 23

Antok na antok pa ako nang gumising ng Lunes. Mas maaga ang pasok ko kay Vance kaya nakuha pa niyang ihatid kami ni Kiel. Ate Sierra and my brother were at the backseat. Ako ay nasa shotgun seat at nakahilig ang ulo sa bintana. We finished everything that I need to pass today. Napakalaki ng tulong ni Vance at mas lalong naging detalyado ang maganda pa ang mga nagawa namin. He made my building plan easy. Magaan ang kamay at halos walang lagpas ang sulat ng techpen.

"Goodbye, Ate and Kuya!" my brother said, peeping his head between us just to give me a kiss on my cheek. And yes, bati na ulit kami.

"Goodbye! Behave, okay?" I told him and he nodded. Nakipag-high five naman ito kay Vance bago sila tuluyang lumabas ni Ate Sierra sa sasakyan.

I tried to take a nap as Vance drove to my university. Ginising lang ako nito nang nasa labas na kami ng campus. He opened the car door for me and unbuckled my seatbelt. Nakaharang na siya sa dadaanan ko at nakapahinga ang braso sa nakabukas na pinto ng sasakyan.

"Do you really want to attend your classes?" he asked, putting stray hairs behind my ear. "Just take a rest and I'll just pass these. Just tell me who your prof is," he added.

Umiling ako at ngumuso. "Kaya ko naman, inaantok lang talaga ako. I'll just drink this," I smiled a little and got the cup of coffee on the cup holder. Inayos ko na rin ang gamit ko at handa nang lumabas.

"You sure?"

Tumango ako.

"Alright, just text me if you wanna go home already and I'll fetch you," he pinched my cheek gently before giving me a quick kiss on my lips. Napabaling ako sa labas at napatingin sa mga estudyanteng napapadaan sa gawi namin. Nag-angat ako muli ng tingin sa kanya at ngumiti.

"Okay, goodbye. Drive safely," I muttered. He offered his hand for me and put the other on the top of my head as I got out of his car.

I waved my hand at him and he did the same thing too before he went inside his car and drove away.

Tahimik ako sa klase at pinilit ang sarili na makinig sa discussion. Sanya was sitting beside me. Naglapag ito ng mint candy sa desk ko.

"Pampawala ng antok," ngisi niya at nagbukas na rin ng isa para sa kanya. "Na-rush ka sa plates?"

"Oo, inulit ko kasi halos lahat."

Kumunot ang noo nito nang bumaling sa akin. "Huh? Bakit naman?"

"Tapos ko na lahat noong Friday pero pinaglaruan ni Kiel at binasa," sagot ko.

"Seriously?"

I nodded.

"Buti natapos mo?"

"Oo, pinilit ko talaga."

"Hanep, Maeve! Kung ako 'yan, iyak na ako nang iyak," iling niya.

Kung alam mo lang, Sanya.

Lunch break nang inaya ako ni Sanya kumain pero tinanggihan ko lang. Ate Ada baked cookies yesterday and I brought some of it. Iyon na lang ang kakainin ko mamaya dahil antok na antok ako. Muli akong humikab at nagtubig ang gilid ng mga mata ko. I rested my head on my forearms and tried to sleep. Nakapikit ang mga mata ko pero ang diwa ko ay gising.

Nakarinig ako ng yapak kaya napaangat ako ng tingin. Silverio pouted when our eyes met. Kalaunan ay umirap ito at naglakad palapit sa akin. He sat on the chair beside mine and I stared at him with my sleepy eyes.

"It's already lunch break," he said sarcastically. I nodded slowly and fished out my small tupperware containing the cookies that I brought. And also, my hydro flask.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon