Chapter 10

279 10 0
                                    

Chapter 10

Friday came and I was already late for my first morning class. Ilang beses na akong tumitingin sa relo ko at ilang estudyante na rin ang nilagpasan ako. My face was in a deep frown when I saw Keiko walking like a Miss Universe towards me. She was wearing a PE uniform and hair was in a high ponytail.

"I'm so sorry. Are you late na ba?" she asked while opening her wallet. Tamad ko siyang tiningnan at tumango. "I still have hangover from last night's party so I had a hard time waking up. But don't worry, dadagdagan ko ang bayad." She got three thousand peso bill and immediately gave it to me. Malaki ang ngisi niya nang inabot ko na sa kanya ang brown envelope na ipapasa niya ngayong umaga.

"Alis na ako. Thanks," I said in a dismissing tone.

"Thank you for this, Maeve!" She giggled as I turned my back on her.

Lakad-takbo ang ginawa ko papasok ng campus. Nang makarating sa tamang building ay nakipag-unahan na ako sa pagpasok sa elevator. Sinadya ko rin na nakatalikod ang prof bago umupo sa pinakadulong upuan sa likod. I made sure that I didn't cause any noises. Patay-malisya akong umupo roon at nakinig sa lecture.

It was actually a boring class. Ilang beses din akong humikab at paminsan-minsan ay kinakagat ang dila para magising. I tried so hard to focus on the board. Paulit-ulit ko ring narinig ang mga salitang 'Philippine Literatures' pero bukod doon ay wala na akong naintindihan.

"What do you want? A video presentation or paper works?" Ma'am Santiago said.

Napataas ang kilay ko roon at nagising. Some of my blockmates were arguing about it but the majority chose paper works. Kahit individual ang paggawa, mas gugustuhin ko pa 'yun kaysa marami kami sa grupo. Panigurado ay magsasayang lang kami ng oras hanggang sa maghabol na lang kapag malapit na ang deadline.

"Ma'am, I think video presentation would be great. Besides, mas masho-showcase pa 'yung acting skills namin, right?" sambit ng kaklase ko. I rolled my eyes unconsciously. Isa siya sa mga kaklase ko na puro paganda lang ang nasa isip. I don't think if she would survive second year kung hindi siya aasa sa leakage from other sections.

"The majority already chose paper works. You can't do anything but do it," Sanya said. Isa rin siya sa mga matatalino sa klase.

I raised an eyebrow as I saw my other blockmate rolled her eyes. Namula ang buong mukha nito at parang walang pakialam naman si Sanya na nakatingin lang sa harapan. Hmm, something is fishy, huh?

Marami pang nagbatuhan ng salita at ako ay nanatiling tahimik lang sa likod. Sa huli, binawal na ng prof sa harapan kaya lahat ay tumahimik na.

"It's a research and to be submitted before the finals examination. I'll tell you the topic and other details after your Undas break. Good luck to your exams. Class dismissed," she said and got her things on the table.

Kinuha ko na rin ang bag ko at nagbadyang umalis na. May isa pa kaming subject pagkatapos nito at sa kabilang building pa iyon.

"Uy, we have a group study tomorrow and on Sunday. Gusto mo sumama?" a blockmate asked me. Nagtagal ang tingin ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay karamihan sa kanila ay hindi ko pa kilala sa pangalan.

"Hindi ko sure, e," sagot ko at tumayo na sa upuan.

"But in case na matuloy ka, just chat me. Ipapasundo kita sa driver ko," she smiled and I did the same.

Ganoon naman palagi. Some of my blockmates always include me in their group study. Noong first year ay nasabik ako sa ganoon at sumama sa kaklase pero kalaunan ay nag-inuman lang naman. Ang iba naman ay inaaya ako para maturuan ko sila ng mga topics na hindi nila maintindihan. Sa engineering kasi ay kapag matalino ka, ikaw ang lalapitan. Sa engineering, utak ang puhunan.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon