Chapter 36

257 8 7
                                    

Chapter 36

I heaved a deep sigh as I looked outside the window. Huling araw na ngayon ng Licensure Examination for Civil Engineers at kabadong-kabado pa rin ako. Nag-aagaw pa ang dilim at liwanag nang umalis kami ng apartment gaya kahapon. Mahirap na at baka maabutan pa kami ng traffic.

Yesterday, I could say that I did my best to answer the questions. Sinanay ko talaga ang sarili ko na bilisan ang pagso-solve dahil oras talaga ang kalaban.

"Siguro naman pag-uwi namin ay may resulta na?" sambit ni Ate Ada na siyang nasa shotgun seat.

Isasama ni Polo si Ate Ada sa business trip niya sa Singapore. Ang alam ko, na-adjust pa iyon dahil ayaw talaga sumama ni Ate dahil natapat iyon sa mismong araw ng board exam. Gusto kasi talaga ni Ate Ada na siya ang maghatid at sundo sa akin sa mismong paaralan kung saan ako magte-take. I told her that it's okay for me to go by myself, but she doesn't want me to. Kaya sa huli, na-adjust ito ng dalawang araw kaya mamaya rin ang alis nila at sinabi ko sa kanya na okay lang kahit hindi na niya ako masundo pagkatapos. Marami na silang nagawa para sa akin ni Polo kaya ayoko nang intindihin pa ako ni Ate Ada.

"Siguro, Ate," sagot ko.

"I'm sure you'll pass it. Pag-uwi namin ay may regalo ka sa akin," ngisi niya.

"Ate, okay lang kahit wala na. Sapat na 'yung nandyan kayo palagi para sa amin ni Kiel. It's actually more than to what I deserve."

"Deserve mo naman iyon, Maeve."

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang. I tried to lessen the nervousness that I'm feeling. Ilang beses kong hinaplos ang kamay ko dahil nararamdaman ko na naman ang panginginig nito. Pakiramdam ko ay dumadaan ako sa butas ng karayom simula pa kahapon.

From: Vance

We'll see each other after the exam, okay? Ace it.

Napangiti ako nang mabasa iyon. I immediately sent a goodluck message to him. A week before the exam, he went back to their house because we have different room assignment. Swerte nga at nakasama niya pa si Sanya at parehas kami ni Sandro na nahiwalay sa kanila. The four of us including Silverio decided to meet after the result comes out. Para kasing nakakadagdag sa kaba kapag naiisip naming mas nape-pressure kami sa ganoong sitwasyon. Maybe I'll just stay in the apartment because for sure, I won't enjoy each day as I wait for the result.

"Diretso na kayo sa airport, Ate?" tanong ko nang ibaba nila ako sa labas ng campus.

"Oo, Maeve," ngiti niya, parehas pa silang lumabas ni Polo. "Galingan mo, ha. In a few days, engineer ka na."

My lips automatically formed a smile. Tumango ako at niyakap si Ate Ada. Polo also offered his arms that's why I gave him an embrace, too. Parang ganito rin ang senaryo namin kahapon.

"Don't forget to offer a prayer before the exam, okay?" Polo whispered in my ears. I smiled and nodded again.

"Thank you, Ate and Polo. Papasok na po ako," sambit ko at kumuway sa kanila.

"Good luck, Engineer!" Ate Ada shouted before I finally walked inside the campus.

I was an hour early before the actual call time. Diretso ang lakad ko at paminsan-minsan na binabati ng mga schoolmates ko. My lips automatically formed in a grim line when I saw Keiko's face in front of me. Mabilis akong nag-iwas ng tingin gaya kahapon at hindi na siya tinapunan pa ng tingin. But her register in my peripheral vision was inevitable because I am a de la Viña and she's a de la Torre.

Just like yesterday, I focused on the exams. I offered a silent prayer as I held the papers. I also prayed for my friends to pass the boards. Mas masaya kung kaming lahat ay papasa.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon