Chapter 15

266 12 4
                                    

Chapter 15

I was busy preparing food with Ate Ada. I was the one who cut the onions and garlic and other vegetables. Pinagtuunan ko rin ng pansin ang pagbabalot ng lumpiang shanghai at paggawa ng spaghetti.

"Nice naman. Pati pagbabalot ng lumpia naka-ruler," biro ni Ate Ada.

I smiled at her as I looked at the equally sizes of lumpiang shanghai. Well, I was kind of perfectionist when it comes to this thing. Para kasing hindi magandang tingnan kapag hindi pare-parehas ang laki.

Noche Buena na mamaya at abala na kami sa pagluluto. Kiel was in the living area playing nonstop. Hinayaan na lang namin siya ni Ate Ada kaysa naman sa guluhin niya pa kami sa kusina.

"Hindi ko na yata nakikita si Vance?" Tanong niya habang abala siya sa paggawa ng leche flan.

Halos masamid ako sa biglaan niyang tanong kaya napaubo pa ako nang kaunti.

"Hindi ko po alam, Ate. Busy yata," dahilan ko at nagkibit-balikat.

"Busy? Christmas break niyo naman."

"Baka nasa ibang bansa? I'm not sure," sambit ko.

She didn't ask after that. Mabilis ko itong pinatay at nagbukas na lang ng panibagong topic. I haven't heard anything from Vance after our last encounter. Tinotoo niya nga ang sinabi ko sa kanya. Kahit anino niya ay hindi ko na nga nasilayan. Kapag naman nagpupunta ako sa mga Vasquez, si Sandro lang ang palagi kong nakakausap pagkatapos ng klase kay Sabine. He would sometimes offer me a ride home pero pati iyon ay tinatanggihan ko na ng lubusan.

If thinking about regretting what I've done, my answer is no. Noong una ay umasa akong magpapakita siyang muli pero nang wala at nagtagal na walang paramdam, nawala na rin iyon sa isipan ko. Keiko didn't bother me too after that. She would sometimes look at me with a smirk plastered on her face, pero wala naman ng ibang sinasabi. I just had a peaceful life... tanging si Silverio lang talaga ang nanggugulo sa akin.

"Si Polo, Ate?" I asked her while draining the pasta.

"Mamaya dadating iyon. Magsisimba tayo, ha," aniya na tinanguan ko lang.

I busied myself for the remaining hours. Kanina pa rin tunog nang tunog ang cellphone ko dahil sa mga bati ng ilang kakilala. Ang ilan doon ay nireplyan ko at ang ilan ay hinayaan na lang.

Nang matapos, bumalik na kami ni Kiel sa sariling apartment para maghanda na para sa simba. I decided to wear us matchy outfits. Si Kiel ay nakapulang polo na tinupi ko hanggang siko at dark jeans. Ako naman ay pulang dress na tatlong pulgada ang taas mula sa tuhod na pinarisan ko ng flat shoes. Kinatok na kami ni Polo kaya mabilis na rin kaming lumabas na magkapatid.

"Are you done? Tinatawag na kayo ng Ate Ada mo pero siya nasa kwarto pa," tawa niya at binati ang kapatid ko na gwapong-gwapo sa suot nito.

Tumango ako habang nila-lock ang pinto. Seconds after, Ate Ada came out from her apartment wearing a white and red short sleeve jumpsuit. Pinisil pa nito ang pisngi ni Kiel dahil tuwang-tuwa siya na magkakakulay kami ng suot.

"Napaka-cute," sabay pisil pa ulit nito sa pisngi ng kapatid ko bago kami sumakay sa sasakyan ni Polo.

"If you're thinking of having one already, just tell me," Polo said as he maneuvered his car. Kinuha pa nito ang kamay ni Ate Ada at hinalikan ang likod nito bago muling binalik ang kamay sa gear stick.

"Dadating din tayo riyan, Polo," Ate chuckled.

I was quiet during the ride. I was just watching the colorful christmas lights outside. Nang makarating sa simbahan, sinalubong na kaagad ako ng simoy ng pasko nang binuksan ang pinto ng sasakyan. I held Kiel's hand as we walked inside the church. Marami na ang tao at halos wala na kaming maupuan sa harapan kaya napunta kami sa gawing gitna.

Free Spirits With Wild Hearts (Ravana Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon