KABANATA 3

0 0 0
                                    

•√Stehart Academy√•

"Waaahhhhh!! Ayan na siya!!!"

"OMG!! Waaahhhhhhh!!! Ang Gwapo ni Papa Darren!!.."

"Oo nga kyaaaahhhh!!! "

"Ang cool niya!!! Talaga!!!"

Di naman masyadong OA no? 

Yan agad ang narinig niya nang papasok na sila ni Wyatt sa gate nang paaralan na papasukan nila..

Nakita niya kung gaano karaming babae ang nakapalibot sa isang sasakyan na kulay pula. Kumunot pa ang mga kilay nito.  Habang pinagmamasdan ang sasakyan na pinalilibutan ng mga kababaihan. 

"Anong meron??"

Tanong niya kay Wyatt na nakatingin din don.

"Ah! Wala yan Ate. Wag mo na lang pansinin.."

Pagsisinungaling ni Wyatt at hinawakan ang kamay ni Akira papasok at patungo sa kabilang daan..

Kilala yon ni Wyatt, ayaw niya lang kasing mapagbalingan si Akira nang lalaking iyon.  Dahil natatakot siyang matulad si Akira sa mga kababaehan na binubully nila...

Baguhan palang si Akira dito sa paaralan na pinapasukan ni Wyatt, nasa iisang campus lang kasi ang Elementary at High School kaya masasamahan niya si Akira sa Building nang High School.

Naglakad sila sa kabilang daan na kung saan hindi sila mapapansin nang mga babae na humahanga doon sa lalaking tinitilian ng ilan.

Ngunit sa pagaakala nila na hindi sila mapapansin ay nagkakamali sila dahil napansin agad sila nang lalaking iyon.

"Hoyyy!! Kayong dalawa??? "

Bigla silang napahinto  sa pagtawag sa kanila nong lalaki.  Natahimik naman bigla ang paligid.

Bumaling sila don sa lalaki na papalapit sa kanila..

"Ah- bakit po??"

Tanong ni Wyatt sa lalaking lumapit sa kanila.

"Oh? Bata!?? Sino yang kasama mo??"

Ngiting-ngiti na tanong sa kanya nang lalaki at napasulyap siya kay Akira, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa...

"Ahh.. Ate ko po. Sige po alis na kami..."

Sambit ni Wyatt sa kanya at humawak sa kamay ni Akira at magtatangkang maglalakad palayo nang pigilan siya nito.

"Oppssss!! Teka lang naman nagmamadali ka ata eh. May lakad ka ba??"

Tanong niya kay Wyatt sabay hawak nang balikat ni Wyatt.

"Kakain po kasi kami.."

Sambit ni Wyatt sa lalaki at mahigpit na humawak sa kamay ni Akira, napansin yon ni Akira kaya tiningnan niya yong lalaking kausap ni Wyatt..

"Kilala mo ba ako??"

Bulong niya kay Wyatt at medyo natakot si Wyatt sa Lalaki kaya tumingin siya kay Akira.

"Si-sige a-ate una na ako, sabay na lang tayo kakain nang tanghalian.."

Sambit niya kay Akira saka binitawan ang kamay nito at Umalis..

Naguguluhan man ay pinagmasdan ni Akira si Wyatt na patakbong umalis sa kinatatayuan nila. 

♠♠♠♠♠♠♠♠

Vote.  Comment.  Support my story.. Kamsa.. 😘

The Dangerous Girl Where stories live. Discover now