KABANATA 17

0 0 0
                                    

Masayang naglalakad si Akira palabas nang room nila. Tapos na kasi siyang linisin ang mga room tapos medyo gumagabi na rin kaya naisipan niya nang umuwi. 

Mag-isa lang siya ngayon dahil pinauna niya nang pauwiin si Kurusaki dahil wala pang tinutuluyan.  Ayaw sana ni Kurusaki'ng pumayag kaya lang tinakot siya ni Akira kaya wala nang nagawa pa si Kurusaki.

Nang malapit na si Akira sa may room ng mga first year, may biglang humatak sa kanya. 

Sa di inaasahan, humangin bigla nang malakas at lumiwanag ang mga mata ni Akira. Binabalotan din nang itim na usok ang buo niyang katawan. 

Bawal na bawal kasi siyang binibigla dahil lumalakas ang itim na espiritu sa katawan niya nap sa tuwing bumibilis ang tibok nang puso niya.

Isinandal nito si Akira sa pader saka hinarap.  Laking gulat ni Akira nang makilala kung sino yong humatak sa kanya.

"D-Darren??"

Gulat na gulat rin nang makita ni Darren ang maliliwanag na mata ni Akira. Pipikit na sana si Akira upang makaalis siya nang pigilan siya ni Darren.

"S-sandali, i-ikaw y-yung--------" hindi na niya maituloy dahil sa sobrang pagkamangha sa nakikita ng mga mata niya. Ngunit sa kabila noon,  ay pinilit niyang maging normal sa harap ni Akira. " ikaw yong nagligtas sakin?? "

Hindi aakalain ni Akira na sa paraang ganito siya mahuhuli ni Darren. Kita sa mga mata ni Darren ang pagtataka.  Hindi niya maipaliwanag kung bakit.  Kung bakit naging totoo ang hinala niya dito.  

"P-pero ba-bakit??" takang tanong ni Darren kay Akira.

Hindi alam kung pano ipapaliwanag ni Akira kay Darren ang kalagayan niya, naiisip niyang baka ipagkalat ni Darren ang nakita niya.  Natatakot siya na baka magaya nanaman don sa dating paaralan niya.  Na kukutyain na naman siya na anak nang isang demonyo.

"A-Akira?? S-sino ka ba talaga???"

"Da-Darren p-please wag mong ipagsasabi ang nakita mo.."

Nawala ang liwanag sa mata ni Akira pati narin ang itim na bumabalot sa kanya. 

Kaya nakita ni Darren ang mukha ni Akira. Bigla naman siyang nakaramdam na kakaiba nang makita ang buong mukha nito.

Maganda si Akira lalo na sa malapitan.  Hindi  kasi ito masyadong nakikita dahil sa suot niyang salamin at bangs na humaharang sa mukha niya.

♠♠♠♠♠♠♠

Ayiiieeee..

Vote.  Comment. Support

The Dangerous Girl Where stories live. Discover now