Walang tigil si Akira na paulanan ng matutulis na bagay ang kanyang ama. Ilag naman ng ilag ito upang hindi matamaan ng sandata ng kanyang anak.
Nakangisi parin si Akira habang ginagawa iyon.
"Hindi sa paraan nito mo ako matatapos Akira. Tandaan mo ama mo pa rin ako. Ang lakas na dumadaloy sayo ay nangagaling saakin. Kung mapapatay mo ako ay tiyak na mawawala ka rin sa mundong ito. "
Biglang napatigil si Akira sa sinabing iyon ng kanyang ama.
Tumatak kasi sa kanyang isipan na kung mapapatay niya ang kanyang ama. Makakabalik sa dati ang lahat. Ngunit, hindi yon ang magiging kakahantungan ng lahat. Dahil kung saan nagsimula ang lahat yon din ang tatapos dito.
"Niloko niyo ko. Pinaniwala niyo ako sa mga walang kwentang bagay." kita sa mga mata ni Akira ang pagkamuhi sa kanyang mga magulang.
'"Hindi ka namin niloko anak, ikaw yong kusang gumawa sa mga bagay na pinapaniwalaan mo ngayon." Sagot ng kanyang ina.
"Hindi" walang emosyong sambit ni Akira habang nakatingin sa kanyang ina.
"Nabuhay ka sa poot at galit. Kaya ka nagkakagany--"
"Dahil hinayaan niyo akong maging ganon!! " putol niya sa sinasabi ng kanyang ina.
"AKIRA!" bumaling siya sa kanyang ama na galit itong sinigawan siya. Sa inis ni Akira ay bigla nanaman itong naging agresibo. "Kung alam ko lang na mag kakanganyan ka, hindi na sana kita binuhay pa." mas lalong umigting ang galit ni Akira sa narinig na salita mula sa kanyang ama.
Ngunit hindi ito natinag. "Akala ko ba nakikita mo ang hinaharap. Bakit hindi mo nakita na ganito ang mangyayari?"pang iinsulto nito sa ama.
Mas lalong itinaas pa ni Akira ang mga pakpak nito. Lumalakas pa ang enerhiyang bumabalot dito. Ngunit sa mga sandaling iyon. Buo na ang disisyon ng kanyang ama. Mabigat man sa dibdib. Ngunit yon lamang ang nagatanging paraan upang makamit ni Akira ang ninanais nito at maibalik sa dati ang lahat.
"Mula sa itim na Agila. Kapangyarihan na bumabalot sa aking anak ay mapuksa" kunot noong bumaling si Akira sa kanyang Ama. May mga sumunod pa itong sinabi ngunit hindi na niya ito maintindihan.
Kahit mabigat sa dibdib ay hinayaan ito ng ina ni Akira. Umihip ang malakas na hangin. Kasabay ang bawat pag bigkas ng mga salita na lumalabas sa bibig ng kanyang ama.
Yumayanig ang kapaligiran. Umiihip ng malakas ang hangin. Symbolo na mawawala na ang lahat. Mawawasak na ang lugar kung saan sila naroroon. Ngunit kasabay ng malakas na yanig naiyon ang paglitaw ng isang itim na agila mula sa likod ng kanyang ama.
"Hindi ito ang tatapos sa relasyon natin anak. Ngunit ito ang magiging rason upang malagay ka sa tahimik na lugar. Patawarin mo sana ako." kasabay ang mga katagang binitawan ng kanyang ama ang paglipad ng mabilis ng itim na agila patungo sa kinaroroonan ni Akira at sa isang iglap bigla itong naging isang matulis na bagay na mabilis na dumako sa puso ni Akira.
Isang mumunting patak na lamang ng luha ang kanyang pinakawalan habang hindi naalis ang mga tingin nito sa kanyang mga magulang.
Hindi niya aakalaing sa bandang huli. Magulang niya ang tatapos sa kanyang buhay.
-------
last Chapter ahead.😊
/////////*******//////////********//////////
Thank thank u sa lahat ng mga sumubaybay nito nong nasa isang page pa ito na ipost. 😊😊😊Maraming salamat sainyo.