Niyakap nang mahigpit ni Darren si Akira nang makita niya itong halos walang malay sa sahigNaawa rin siya sa mga natamong sugat ni Akira. Hindi niya nagawang tingnan ang mga nangyare kila Ayumi tanging si Akira lang ang tinuonan niyang pansin.
Dahan-dahan niya itong binuhat nang katulad sa pangkasal at naglakad patungong pinto.
Ang hindi niya alam ay kabababa palang nila Bobby sa sasakyan at pa puntang HQ kung nasaan sila ni Akira.
Hindi naman sana alam ni Darren ang lugar na ito. Nang pumunta kasi siya nang gate nang sachool ang tanging nakita niya na lang doon ay iyong suot ni Akira na malaking salamin.
Pagkakita niya non, pumunta agad siya sa Jong's Bar kung saan karaniwang nakikita sila Bobby. Ang kapatid ni Ayumi. Panigurado kasing alam ni Bobby kung saan dinala nang kapatid niya si Akira.
Pagkapasok niya palang sa nasabing bar ay hindi siya nabigo. Nakita niya agad sila Bobby sa isang mesa kasama ng mga alagad nito. Nag tungo siya doon. Nang malapit na siya ay susugurin niya na sana ngunit napahinto siya sa narinig niyang pag uusap ng mga ito. Tumigil siya saglit at umupo sa malapit na mesa kung saan naroroon sila Bobby.
"Ang tindi rin nang kapatid mong yon!! Hahha!! Manang-mana sayo!! "
"Oo nga pare!!, walang kinatatakutan!!"
"Buti na lang wala tayong trabaho dun sa HQ!! Kumusta na kaya yong mga yon!!??"
"Malamang ibinaon na sa gubat nang kapatid mo yong bangkay nang Akura ba yon??"
"Hahahha!! Tanga!! Akira pangalan non. Sayang ang ganda pa naman.. Hahha!!"
Galit at pagkasuklam ang nanaig kay Darren nang marinig niya ang pag uusap ng kapatid ni Ayumi sa mga kaibigan nito. Ngunit mas nanaig ang takot niya sa kung ano ang mangyayare kay Akira pag nagpatuloy iyon. Kaya bagkos na sugurin niya sila Bobby ay dali-dali siyang lumabas sa Bar.
Isa lang ang alam niya na kagubatan at natitiyak siya na doon ang nasabing HQ ng kaibigan ni Bobby.
Ang kagubatan na malapit sa bahay ni Dockery, isa sa kasamahan ni Bobby. Ang pinakamayaman na nag mamay-ari nang malalawak na kalupaan dito sa lugar nila. Kaya naman hindi nabigo si Darren at natunton niya ang kinaroroonan ni Akira at Ayumi pati na rin ang grupo nito.
Papalabas na sana si Darren dala si Akira nang makita sila nang isa sa kasamahan ni Bobby.
"BOBBY!! SI DARRENN!!!"
sigaw nito saka tiningnan si Bobby na naglalakad rin papuntang HQ.
Umilaw bigla ang kwintas ni Akira at bigla silang nawala sa lugar na iyon at laking gulat nang isa sa kasamahan ni Bobby nang pagtingin niya ay nawala na sila Darren.
"Lintik! Asan na?? "
♠♠♠♠♠♠
Vote. Comment. Support