Nagsimulang maglakad si Akira patungong Admission. Magkatabi lang naman kasi ang opisina ni Mr. Jordan Hubert sa Admission Office.Sa likod ay nakasunod lang sa kanya si Kurusaki at hindi nagsasalita. Hindi mawari ni Akira kung maiilang siya sa ginagawang pag sunod sa kanya ni Kurusaki.
Iba kasi yong pakiramdam niya. Kahit naman may pinagsamahan sila nito, iba parin yong pakiramdam niya dito ngayon na tila ba hindi niya maipaliwanag.
Hindi na rin siya mapakali kakatingin sa magkabilaan niyang side. Dahil parang may kakaibang nangyayare sa bandang likod niya. Nang hindi siya makatiis ay nag salita na siya dito.
"B-bakit mo ko sinusundan? W-wala ka bang ibang pupuntahan?"
Tanong ni Akira dito habang patuloy parin silang naglalakad. Hindi niya ito tinignan bagkos ay pinakiramdaman niya lang ito.
"Bakit?? Ayaw mo bang nandito ako? Hindi mo man lang ba ako namiss? "
May pagsusumamong tanong ni Kurusaki sa kanya. Hindi alam ni Akira kung anong pakay ni Kurusaki sa pagpapakita ng biglaan nito sa kanya. Subalit ramdam niya na hindi na ito tulad nang dati.
"Hindi naman sa ganon." Sambit niya dito. Ayaw niyang maramdaman ni Kurusaki na nakakaramdam siya ng kakaiba sa pagitan nila. Kaya hanggat kaya niyang maging normal ang pag-uusap nila ay gagawin niya.
"T-tanong ko lang. Hindi na kasi kita nakita simula nong umalis ka sa bahay namin nang gabing iyon. Saan ka ba nagpunta? Bakit ka umalis ng biglaan? "
Sambit ni Akira. Iyon kasi ang Araw na nalaman niya sa ama ni Akira na hindi siya yong pipiliin nang itim na Agila. Kaya siya umalis noon nang hindi nagpapaalam kay Akira at hindi na nagpakita pa.
"A-ano kasi? M-may nangyare kasi noon, k-kaya ako umalis ng biglaan noon, p-pero ngayon ayos na kaya naandito na ulit ako,..... Naandito na ulit ako ngayon sa tabi mo." pilit na pagsisinungaling ni Kurusaki sa kanya.
Biglang kumunot ang noo ni Akira. Hindi dahil sa huli nitong sinabi. Kilala niya kasi si Kurusaki. Hindi ito magaling sa pagsisinungaling, at alam niya din kung may iniiwasan itong masambit. Ngunit sakabila noon ay hindi niya ito pinahalata dito.
"Dito ka na rin ba mag-aaral??"
Pag-iiba niya nang usapan. Dahil alam niyang hindi ito magsasabi nang totoo niyang pakay.
"Oo, sa katunayan nakapag enroll na ako ngayon..at magkaklase tayo.."
"Ganun ba?? Mabuti naman kung ganun.."
Sambit niya. Nang makarating sila sa opisina ni Mr. Jordan, pumasok sila at ibinigay yong mga files na pinamimigay ni Ms. Hannah, saka sila sabay na lumabas at pumasok nang room.
Sa classroom, pagpasok nila. Laking gulat nang grupo ni Ayumi nang makita si Akira na papasok sa room at kasama ang napaka-gwapong si Kurusaki.
Lalong nag igting ang panga ni Ayumi sa nakikita niya.
Tiningnan lang ni Akira ang grupo ni Ayumi saka dumeretso sa upuan nito.
Tumabi sa kanya si Kurusaki nang bigla silang lapitan nang grupo ni Ayumi.
"Oh? May transferee pa pala tayo?? Anong pangalan mo???" malandi nitong sambit kay Kurusaki. Hindi rin matago nito ang ngiti na mapang-asar kay Akira.
Bumaling dito si Kurusaki, hindi para lumandi. Kung hindi ay para turuan ng lection. Tumingin ito sa mga mata ni Ayumi at binigyan ito ng matamis na ngiti. Mula sa pagiging malandi at suplada nitong aura ay biglang naging isang maamong tuta. Dahan-dahan itong bumaling kay Akira na tila parang isang robot kung gumalaw.
"A-Akira? Sorry sa ginawa ko kanina.."
Mula sa mapang-asar na mga ngiti ay napalitan ng pagtataka ang mga kasamahan ni Ayumi dahil sa ikinilos nito.
Samantalang si Akira walang paki-alam sa ginagawa ni Ayumi dahil alam niyang kagagawan yon ni Kurusaki.
"A-ayu?? A-anong ginagawa mo??"
"Kaya nga Ayu? "
"Ayu?! Bakit nag sosorry ka sa kanya???"
"Don't tell me, you want to be friends with her na? "
Sa mga oras na yon hindi nila napansin na padating na pala si Ms. Hannah, sa room nila.
"Hindi ko alam---ahhhh!! S-sorry Akira dahil nadapa ka nong patirin kita at s-sorry dahil binasa ko lahat nang files na pinapadala sayo ni Ms. Hann----" Kahit anong gawin ni Ayumi. Nanaig parin ang kapanyarihan ni Kurusaki sa kanya.
"ANONG SABI MO AYUMI JOYCE ZACHARIAS!!??"
Biglang nagulantang ang lahat nang studyante sa room nila nang sumigaw si Ms. Hannah.
Narinig niya kasi lahat nang sinabi ni Ayumi kay Akira, pati si Akira nagulat rin sa sigaw ni Ms. Hannah.
Biglang bumalik sa katinuan si Ayumi, at namilog ang mga mata na tumingin kay Ms. Hannah, pati na rin ang kasamahan ni Ayumi ay kinakabahan na tumingin kay Ms. Hannah.
"Ahhmm.. Ms. Hannah, a-ano po k-kasi.."
"Anong ibig sabihin nang mga sinabi mo kanina???"
Galit na sabi ni Ms. Hannah. Hindi na kaya pang magdahilan ni Ayumi, tiningnan niya nang masama si Akira. Kahit pagbalibaliktarin pa kasi yong pangyayare ay paniguradong hindi na siya nito maisasalba dahil sa mismong bibig na niya galing lahat ng nangyare.
"Ikaw Ms. Zacharias at yang grupo mo!!! Sumunod kayo sakin!!!!"
Galit na sambit ni Ms. Hannah, tsaka ito umalis. Tumingin nang masama si Ayumi at ang mga kasama niya kay Akira.
"Humanda ka sa----"
Biglang naputol ang sasabihin niya nang tiningnan siya ulit ni Kurusaki at nginitian.
Biglang umamo ulit ang mukha nito at walang ano-ano ay tumalikod ito sakanila at umalis. Nagtataka man ay sumunod sa kanya ang mga kasamahan niya.
♠♠♠♠♠♠
AN: sana all may ganoong powers!! ^. ^
Vote. Comment. Support