KABANATA 20

0 0 0
                                    

Maagang makaka-uwi si Akira ngayon, dahil hindi na siya inutusan ni Darren na maglinis pa nang room.

Kaya naman masaya siyang naglalakad papuntang gate.  Wala siyang kasama ngayon, dahil bumalik na si Darren sa Basketball team.

Wala namang magagawa yong coach nila dahil anak siya nang may-ari kaya tinanggap agad siya nito. Hindi naman sana siya isasali sa team dahil sa records na pang bubully nito.   Natatakot kasi yong coach nila na baka gumawa lang kasi ito ng eksena. 

Si Kurusaki naman, naunang umuwi.  May aasikasuhin daw.  Iyon ang paalam niya kay Akira, subalit ang hindi alam ni Akira, nilalamon nanaman si Kurusaki nang galit niya kaya naman, lumalayo ito kay Akira pagnangyayare iyon.

Habang mag-isang naglalakad ay masayang  tinungo ni Akira ang gate ng school. Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay biglang sumulpot ang grupo ni Ayumi. 

"Well! Well, well!! Nagkita ulit tayo!!"

Sambit nito sa kanya. Matatalim ang naging mga tingin nito sa kanya.  Ngunit sa hindi inaasahan ay may bigla na lang pumokpok sa may batok ni Akira kaya  naman humarandusay na lang ito sa sahig. 

Galit at pagkasuklam ang nararamdaman ngayon ni Ayumi kay Akira.  Hindi niya kasi matanggap na pinarusahan sila ni Ms.  Hannah. Sila kasi yong pinalinis ng malaking C. R na halos lahat ng year level ang gumagamit.  Yon din yong C. R kung saan nila pinagtripan si Akira. 

Nang makitang walang malay na si Akira ay binitbit nila ito at ipinasok sa Van na nag aabang din sa labas ng gate ng school.

Sa di kalayuan natanaw nila Demi at Olly ang ginawa nila Ayumi kay Akira.  Kaya naman Dali-dali silang nag nagtungo nang Gym, kung nasaan si Darren.

Mabait sila Demi at Olly, sa katunayan gusto nilang makipag kaibigan kay Akira simula pa lang kaya lang naisip nila na baka pagtripan din sila tulad nang ginagawa kay Akira kaya hindi na lang nila ito nilapitan.

Ngunit ngayong parang ang bait na sa kanya ni Darren, kaya may pagkakataon na silang malapitan si Akira.

Pagkarating nilang Gym, hinanap agad nila si Darren, nakita nila ito na nagpapahinga sa may bench kasama nang mga ka-team nito. Nilapitan nila agad ito.

"DARREN!!"

Sigaw nila, nang nasa kalagitnaan sila nang basketball court, napatingin sakanila lahat nang nandoon, at taka ring napatingin si Darren sa kanila, lumapit sila kay Darren at inilayo ito sa mga ka team niya saka sinabi yong nakita..

"WHAT???"

Malakas na sigaw ni Darren kila Demi at Olly, kaya napatingin sakanila yong mga tao doon.

"Teka lang hinaan mo yang boses m---"

"San dinala?? "

Hindi na pinatapos ni Darren si Olly magsalita at nagtanong agad siya. 

Nag-aalala kasi siya sa maaring gawin nila Ayumi kay Akira.  Ngunit ang hindi pa alam ni Darren na kung anong mangyayare kay Akira kapag hindi na tuluyang makuntrol ang sariling katawan ni Akira.

"H-hindi namin alam.."

"Shiittt!!!"

Nasambit na lang ni Darren sabay sabunot nang sariling buhok.

Dali-dali siyang tumakbo palabas nang Gym.  Nagtataka man kung bakit ganoon na lamang kung umasta si Darren ay sumunod na lang sila Olly at Demi sa kanya. Siguro ay dahil sa magkaibigan na nga ito kaya ganoon na lang umasta si Darren. 

Sa isip-isip nila Olly. 

♠♠♠♠♠♠

Vote. Comment. Support

The Dangerous Girl Where stories live. Discover now