KABANATA 25

0 0 0
                                    


Galit na galit si Bobby nang maabutan ang kapatid niya na nakatali ang buong katawan sa hawak nitong latigo. Wala na itong malay.

Nakita rin nila ang iba pang kasamahan nito. Tulad na lamang na  sila Adele at Jilo na lumulutang sa malaking drum na puno ng tubig ang katawan.  Halos hindi makahinga si Dockery sa nakikita niya. 

Wala na kasi ang pinakamamahal niya na si Adele. Nag-uumpisa pa nga lang sila ay nawala na agad sa kanya ito.

Kinuha niya ang bangkay ni Adele at ibinaba ito mula sa malaking drum.  Nilapag niya ito sa sahig at niyakap ito.

"A-Adele? Gumising ka please!! Wag mo kong iiwan!!.. Please Adele!! Adele!!..please! "

Maluha-luhang niyakap ni Dockery si Adele at niyu-yogyog ito. Ngunit wala paring nangyare. Wala parin itong malay at kitang-kita sa mukha nito na hindi na kailanman babalik pa sa dati.  

"ADEEEEEELLLLEEEEE!!!!! " hagulhol nito habang yakap-yakap ang walang malay na si Adele. 

Sa kabilang side naman ay pilit na tinatanggal ni Bobby ang mga nakapulupot kay Ayumi.  Halos nagkulay lila na ang mapuputing balat ni Ayumi. Dahil sa higpit ng pagkakapulupot dito ng latigo. 

"A-ayu??

Sambit ni Bobby nang matanggal nito lahat nang nakapulupot dito. Walang malay niya itong kinuha at ipinatong sa kanlungan niya.

Mahal na mahal ni Bobby si Ayumi.  Lahat nang gusto ni Ayumi ay sinusunod ni Bobby, spoiled masyado si Ayumi kay Bobby.  Ngunit ngayong wala na si Ayumi halos gumuho ang mundo ni Bobby. Para siyang nawalan ng isang parte sa katawan dahil sa nangyare sa kapatid niya. 

Nagdilim ang paningin ni Bobby. Alam niyang may kinalaman yong babaeng tumulong kay Darren sa nangyare sa kapatid niya at mga kasamahan  nito. Hindi naman kasi ito magagawa ng isang  normal na tao.  Kaya niniguro siyang ang babaeng iyon ang may pakana nang lahat. 

Nasisiguro din siya na humingi ulit ito ng tulong sa nilalang na iyon upang matulungan nila ang kinaiinisan ng kapatid niya na si Akira. 

Bumaling siya sa mga naging rebolto at galit na binato yon nang isang kapirasong kahoy at lahat iyon natumba at nabasag.  Napatingin din doon lahat nang mga kasamahan niya.  Kitang kita nila na Puno ng galit ang mukha ni Bobby dahil sa nangyare.  Dahan-dahan nitong binuhat ang bangkay ni Ayumi.

"MAGBABAYAD KA! MAGBABAYAD KA DARREEEEENNNNN!!!!!!" Kita ang galit sa bawat pagbigkas ng mga salitang binitawan ni Bobby.  Nagulantang lahat ng kasama niya.  Kahit si Dockery ay naging madilim na rin ang aura dahil sa kanyang nasawing si Adele. 

'Dahil sisiguraduhin kong manglilimos ka sakin para sa kaligtasan ng buhay mo '

Sambit ni Bobby sa isipan niya.  

♠♠♠♠♠♠

Vote.  Comment .  support

The Dangerous Girl Where stories live. Discover now