KABANATA 38 (Special Chapter II)

0 0 0
                                    

Naninigas na ang katawan ni Darren.  Nasa ganoon parin silang pwesto ni Akira.  Sa pagkawalang emosyon ni Akira, dama na rin niya ang pagkamanhid ng buo nitong katawan. 

Tinungo niya ang matulis na bagay sa likod ni Darren. Hinawakan niya ito.  Mulat parin ang kanyang mga mata kahit ang kalahating espada ay nakatusok sa kanyang tiyan.  Dahil ang kalahati  nito ay nakatusok sa dibdib ni Darren. 

Unti-unti niya itong inaalis sa pagkakatusok sa kanilang dalawa. Kahit sobrang hapdi noon ay tila walang nararamdaman si Akira. Habang ginagawa niya iyon pinagmamasdan lang siya ng kanyang mga magulang. 

Nang unti-unting nang naaalis ni Akira ang nakatusok sa kanila ay gumalaw si Darren. 

"A-ahh' malumanay at tamang dinig lang ni Akira yong nasambit  ni Darren bago ito tuluyang nawalan ng malay. 

Alam ni Akira na magiging katapusan  na nang lahat kung pipilitin niyang kalabanin ang mga magulang niya.  Dahil na rin sa galit ay tuluyan na niyang kinalimutan at pinaniwala ang sarili na wala na talaga siyang mga magulang.  Tanging ang nakikita niya na lang sa dalawang taong nasa harap  niya ay pawang mga kalaban na hindi na dapat mabuhay pa. 

Dahan-dahan niyang ibinaba si Darren. Nang unti-unti na niyang maibaba si Darren ay agad niyang hinarap ang kanyang mga magulang.  inipon niya ang galit sa kanyang puso at kalamnan upang bumalik ang kapangyarihan niya na kanina'y nawala. 

Masama niyang tinignan ang mga ito.  Ngunit sa mga mukha nito ay walang makikitang takot o pangamba sa kung ano man ang gagawin ni Akira sa kanila. 

"Hindi ko gusto ang takbo ng utak mo Akira. Hindi matatapos ang gulong ito kung paiiralin mo ang poot sa iyong pusoNagkulang kami, OoNgunit hindi iyon rason upang kamuhian mo kami at wag ituring bilang iyong mga magulang.  " sambit ng kanyang ama.

"wala na akong mga magulang!  At hindi ko kayo mga magulang!!! " mabigat at may halong pagkasuklam  ang bawat bigkas niya ng mga salita. 

"Anakpatawarin mo kami dahil naging ganyan ka.  Alam kong hindi mo gusto ang mabuhay sa ganitong paraan.  " mahinahon na sambit ng kanyang Ina. 

Unti-unting lumabas ang itim na aura ni Akira ng marinig niya iyon. 

"Huli na ang lahatGinawa niyo na ako nang katulad sa inyo.  Wala nang magagawa pa ang mga salitang bibitawan niyo dahil wala narin naman yong kwenta!!! .  "

Pagkasabi niya non ay biglang sumulpot sa likod niya ang kanyang pakpak at bumuka ito ng sobrang laki. 
Matatalim ang kanyang mga tingin sa mga magulang niya. 

Dahan-dahan siyang tumayo at tumindig ng maayos.  Iminwestra niya ang kanyang pakpak na kahit anong oras ay kaya na siyang lumipad. 

"Isinilang akong ganitoMamamatay rin akong ganito. " galit na sambit ni Akira at bigla itong lumipad upang mapantayan niya ang kanyang mga magulang. 

"Hindi mo alam kung anong ginagawa mo. " galit na sambit ng kanyang ama.  " May paraan pa upang makaalis ka sa lugar nato at bumalik ang lahat sa dati. "

Ngumisi si Akira nang sabihin  iyon ng kanyang ama. 

"May paraan pa talagaNgunit hindi sa paraan na gusto niyong mangyare.  "Makahulugan niyang  sambit. 

"Ano ang ibig mong sabihin? " tanong ng kanyang ama.

Ngunit hindi iyon sinagot ni Akira bagkos ay pinaulanan niya ito ng matatalas na sandata na nang gagaling sakanyang pakpak. 

"Hindi ko gusto ang gusto mong mangyare Akira.  "

Hindi siya nito pinakinggan. Bagkos walang tigil niyang pinapaulanan nang matutulis na bagay.

"Akira,  tama na yan. "

Hindi niya din pinakinggan ang kanyang Ina.

Dahil alam niya na kung mapapatay niya ang kanyang mga magulang ay maibabalik niya sa normal ang lahat. 

Ngunit ang hindi niya alam na tanging ang itim na agila lang ang makakagawa non. 

********

Vote.  Comment. Support

The Dangerous Girl Where stories live. Discover now