"Oh? Anong nangyare sayo??"Tanong ni Darren sa kanya nang makita siya nito na naglalakad na puno nang pintura ang damit.
Kahit yong itim na palda niya nag kulay puti rin at kahit yong sapatos na kulay itim ay puti na lahat.
Wala naman kaso yon kay Akira dahil sa isang haplos niya lang dito sa damit niya ay babalik ito sa dati.
"Ah, ano kasi natapunan ako nong pintura nong Sachi. Kasalanan ko naman kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko, kaya ayun natapon, humihingi nga ako nang pasensya kasi baka pagalitan siya nong Ms. Hannah na nag-utos sa kanya.."
Mahabang paliwanag niya kay Darren samantalang si Darren, kung hindi niya lang kaharap si Akira ay walang humpay na tawa ang kakawalan niya, pero dahil sa kaharap niya si Akira, tinitimpi niya na lang...
"Ganun ba?? Hayaan mo na yon!!.. Punta naman tayo don sa Second year.."
Ngiti-ngiting sabi ni Darren sa kanya, saka naglakad papuntang second year.
Maraming studyante ang nadadaanan nila at masasamang nakatingin sa kanya..
"Diyan ang room nang mga second year at yon naman ang Laboratory nila, ginagamit yan kapag Biology subject na.."
Ngiting sambit ni Darren saka tumingin sa kanya. Samantalang si Akira ay nakatingin sa laboratory na tinuro nito.
"Pasukin mo kung gusto mo! Tutal baka ikaw ang mautusan na kumuha nang Microscope, mabuti nang malaman mo kung saan nakalagay.."
Tumingin si Akira sa pinto nang Laboratory. Nakita niya agad kung ano ang meron doon. Kung ano ang nasa loob at kung anong klase ang mga nasa loob.
"Pwede pumasok?? ^_^ "
Inosente niyang tanong tsaka ito bumaling kay Darren..
"Sige. Pumasok ka muna jan, may pupuntahan lang ako."
Sambit ni Darren sa kanya saka umalis.
Pumasok si Akira sa Laboratory. Pagbukas niya nang pinto, bubuhos na sana sa kanya yong isang baldeng maliit na puno nang mantika, nang bigla niya itong tingnan. Biglang huminto ang pagbuhos nito parang huminto lahat nang nasa paligid niya.
Tsaka siya pumasok. Pagpasok niya saka lang gumalaw yong oras at bumuhos yong mantika sa labas.
Tumingin siya sa lahat nang Apparatus na nandoon sa loob.
"Wow! Ang cute-cute namang gamitin to,^_^ "
Sambit niya sa mga maliliit na tube na nakalagay sa test tube rack, linibot niya pa ang paningin niya sa paligid nang biglang---
*ssssSsss*
Bigla siyang napatingin sa baba nang marinig niya iyon, pagtingin niya isang malaking sawa ang nakita niya.
Nagkatitigan sila nang sawa. Nong tutuklawin na sana siya nang sawa ay bigla niyang inalis ang salamin niya saka tinitigan niya ito. Sa isang segundo ay naging abo ito.
Ngumiti siya nang napakalawak saka tumayo at lumabas sa Laboratory room.
"Not bad. Sobrang exciting talaga"
Sambit niya sa isipan niya.
♠♠♠♠♠♠
An: Ok lame.. Hahah..
Sana mayroon din akong ganyang powers.. HahahhaVote. Comment. Support.. 😘