Ngumiti sa kanya ang lalaki at inilahad ang kamay nito sa kanya."Anong ginagawa mo dito??"
Takang tanong ni Akira sa kanya. Hindi parin kasi siya makapaniwala sa nakikita niya, hindi niya aakalain na masusundan siya nito dito mismo sa paaralan kung saan siya pumapasok.
"Ako pa ba? Walang makakatago saakin Akira. " ngumiti ito sa kanya.
"Kaya kahit nasaan ka pa, kaya kitang hanapin. Kaya kitang puntahan kung kailan ko gusto. "
Sambit nang lalaki tsaka itinayo si Akira at ngumiti ito dito.
"Anong ibig mong sabihin??"
Takang tanong niya parin dito.
Makalipas kasi nang maraming taon ngayon niya lang ulit ito nakita."Alin ba don?" takang tanong nito kay Akira.
Hindi siya nito sinagot. Kaya kusa siyang nag-isip. Napangiwi na lang siya kay Akira. Dahil walang emosyon ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Huminga ito ng malalim bago nag salita.
" M-matagal na kitang sinusundan, ngayon lang ako naglakas nang loob na lumapit sayo eh" napakamot naman ito sa may batok tsaka ngumiti kay Akira.
"Baka kasi alam mo na, mahirap ka pa naman biglain.." pagkukumbinsi nito kay Akira.
Siya si Kurusaki Hannada. Katulad din siya ni Akira, pero mas malakas si Akira kumpara sa kanya.
Bata pa lang sila, sila na yong magkasama. Kaya lang naman lumayo si Kurusaki, dahil nalaman niya na hindi siya yong pinili.
Sumama ang loob ni Kurasaki kaya lumayo siya. Mahal niya si Akira, kaya siya bumalik at hinanap si Akira, nabalitaan niya rin ang nangyare sa pamilya nito, kaya sumunod siya dito.
Masama ang pakay ni Kurusaki dahil papatayin niya kung sino man ang mapipili nang itim na Agila. Dahil para sa kanya, pag mamay-ari niya si Akira.
Gwapo si Kurusaki, subalit mapanlinlang ang mga pinapakita niyang kabutihan sa iba. Nalamon na kasi siya nang kasamaan dahil sa pagmamahal niya kay Akira, ngunit hindi iyon alam ni Akira.
Sa pagkakakilala kasi ni Akira kay Kurusaki ay katulad niya rin ito, na gusto ring mamuhay nang normal, subalit pinili ni kurusaki ang mali para kay Akira.
Tiningnan ni Kurusaki ang nagkalat na papel sa daanan at bumaling muna sa paligid, at nong mapagtanto niya na walang tao ay saka niya lang ginalaw ang kaliwa niyang kamay at isa-isang lumutang ang mga papel at kumusa itong lumagay sa dati nitong folder. Pagkatapos lumutang yong mga folder papunta sa mga kamay niya, maayos at parang wala man lang nangyare.
"Oh? Ito maayos na. " inabot niya ito kay Akira.
"Bakit ka nga pala nagpapa-api sa kanila?? Kung pwede mo naman silang iligpit sa isang tingin mo lang??"
Nagtatakang kinuha ni Akira yong mga folder kay Kurusaki. Dahil sa sinabi nito, parang alam niya na kung bakit ito naandito.
"K-kurusaki???"
"Bakit?? Nagtataka ka parin ba kung bakit ako naandito???"
Sambit nito kay Akira saka ngiti-ngiting tiningnan siya nito.
♠♠♠♠♠♠♠
Vote. Comment. Support