"Oh! Bakit parang nakakita ka naman nang multo sa reaction mo iyan Akira???""A-ayumi??"
"Exactly?? Hahhah!! Pero bakit parang ang hirap mong bigkasin?? Hindi mo ba inaasahan???"
Taka man ay mahinahon niya lang itong tiningnan dahil Ibang Ayumi ang nakikita ni Akira. Hindi niya aakalain na mabubuhay pa sa ganoong sitwasyon si Ayumi.
Kitang-kita niya kung pano magkulay lila ang buong katawan nito pagkabasa nang isip ni Darren.
"Anong kailangan mo???"
"Hahahha!!! Akala ko ba matalino ka??? Bakit parang ganyan ang tanong mo??! Diba dapat!! 'Bakit buhay ka pa? Ayumi??' Oooppsss!! Mali pala. 'Bakit ka pa nabuhay Ayumi!!!' Diba dapat mga ganun?? Huh??" biglang nag bago ang aura ni Ayumi sa huling sinabi.
Nagdilim ang mga mata nito at gulat itong tiningnan ni Akira. Ngunit ngiting nakakaloko lang ang ginawa ni Ayumi sa kanya.
Biglang binalingan ni Ayumi ang mga upuan sa Gym at lumutang ang mga ito sa ere at buong lakas na itinapon kay Akira. Ngunit biglang kinuntrol iyon ni Akira kaya naman huminto ito sa hangin at ibinalik iyon kay Ayumi. Ngunit nakailag ito.
"Sinong nagbigay sayo ng kapangyarihang yan? "
Tanong ni Akira kay Ayumi na ngayon ay lumulutang na sa hangin. Ngiting nakakaloko Lang ang ibinigay sa kanya nito.
"Hindi mo na kailangan pang malaman dahil papatayain kita nang walang nalalaman..."
Biglang may lumabas na apoy sa kaliwang kamay ni Ayumi at ibinato iyon kay Akira ngunit inihipan lang iyon ni Akira habang walang kaexpre-expresion ang mukha.
"Wala kang magagawa Ayumi! Dahil kahit anong gawin mo hindi mo mapapantayan ang lakas na meron ako!!"
Sambit ni Akira tsaka kinuntrol lahat nang upuan at ibinalik ito sa dati.
"Pano kung kaming dalawa ang magsama??"
Ngiting sulpot ni Adele sa tabi ni Ayumi. Tinignan lang sila ni Akira na parang wala silang binat-bat sa lakas na meron siya.
Bumuo nang malaking apoy sila Ayumi at Adele tsaka binalutan ito nang itim na usok upang madagdagan ang pwersa nito at ngiting itinapon yon kay Akira. Itinaas niya ang mga kamay niya saka inalis ang malaking salamin na humaharang sa mga mata niya.
Lumiwanag ito at sa isang segundo naging isang malaking yelo ang apoy na ginawa nila at ibinalik niya ito sa kanila.
Tumama ito kila Adele at Ayumi. Kaya naman tuminilapon sila sa labas nang gym at nabasag rin yong salamin sa pinakataas nang Gym.
Sinunod yon ni Akira. Isa lang talaga ang hinala niya kung bakit nagkaganun si Ayumi. Nilalamon sila nang kapangyarihan na meron si Kurusaki.
Ngayon mukhang malaking problema ang kakaharapin niya.
♠♠♠♠♠
Vote. Comment. Support.