"B-bakit t-tayo nandito??"
Takang tanong ni Darren pagkarating nila sa kwarto ni Akira.
"Darren? May nakita ka ba nong mga oras na niligtas mo ako???"
Tanong ni Akira habang tumingin ito sa kanya.
"Huh? W-wala bakit?? "
Takang sambit ni Darren kay Akira.
"N-nakita lang kita na nakahandusay sa sahig tapos binuhat kita tapo---"
"Alam ko, p-pero? Bukod doon may nakita ka pa ba s-sakin??"
"Luh? W-wala ahh? Bukod sa---"
"ANO?? bukod sa Ano???"
Sambit ni Akira kay Darren sabay hinawakan ito sa magkabilang Braso.
"T-teka? B-bakit parang maha---"
"Sabihin mo na lang kung ano yon?"
"N-nakita ko lang naman na umilaw yong sa may ano mo, diyan sa Ano basta!! Sa---" namumula nitong sambit.
"SAAN??"
"S-sa may dibdib mo.." tarantang sagot ni Darren sa sigaw ni Akira. Masyado pa itong namula pagkasabi.
O.O >>>>>reaction ni Akira
"P-pero h-hindi ko naman tiningnan nang mata---"
"Tapos anong nangyare? Pagkakita mo???"
Putol, ni Akira sa sasabihin ni Darren at seryosong nakatingin sa kanya.
"T-tapos bigla na lang nawala tayo sa lugar na iyon at napunta tayo dito. Nong una diko alam kung kaninong bahay to, pero nakita ko yong picture mo sa mesa kaya, naniguro akong sayo tong bahay..."
Binitawan ni Akira si Darren at kinapa yong kwintas niya at seryosong tiningnan ito. Ngunit biglang sumulpot si kurusaki sa kwarto ni Akira at nagulat si Darren nang makita ito.
"W-wag m-mong sabihin na k-katulad ka rin ni A-aki----" Takang tanong ni Darren kay Kurusaki ngunit pinutol siya nito sa pagsasalita.
"So ikaw pala ang pinili???"
Ngiti-ngiting sambit ni Kurusaki at nakatingin ito kay Darren. Tumingin din si Akira kay Kurusaki. Wala kasing alam si Akira kung ano ang ibig sabihin ni kurusaki.
"P-pinili?? N-nino?? "
Takang tanong ni Darren kay Kurusaki. Ngunit hindi siya pinansin ni Kurusaki bagkos ay tumingin ito kay Akira.
"A-anong ibig mong sabihin Kurusaki?? W-wag mong sabihing m-matagal mo nang alam ang bagay na ito???"
Takang tanong ni Akira kay Kurusaki. Ngiting nakakaloko lang ang binigay ni Kurusaki dito. Sa inasal ni Kurusaki, hindi makuha ni Akira kung ano ang ibig sabihin nito.
"Bakit Akira?? Hindi ba sinabi nang magaling mong ama ang tungkol diyan?" seryosong sambit ni Kurusaki na bakas sa kanyang mukha ang galit.
Natakot bigla si Darren sa inasal ni Kurusaki. Kaya nagtago ito sa likod ni Akira. Hindi niya aakalain na katulad din siya ni Akira. Ngunit iba si Akira kay Kurusaki. Sa kinikilos ngayon ni Kurusaki ay iba sa kilos niya dati.
"Ano yon?? Anong kailangan kung malaman tungkol dito???"
Biglang nagdilim ang paningin ni Kurusaki at pinalilibutan ito ng itim na espiritu. Nagtaka si Akira sa nakikita niya kay Kurusak. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Totoo ngang manhid ka!!! Hindi mo ba alam na matagal na kitang gusto!! Pero ano?? Binalewala mo lahat nang iyon!! Sinunod ko lahat nang gusto mo!! ngunit palagi na lang ang pamilya mo ang iniisip mo!!!"
Gulat na tiningnan ni Akira si Kurusaki!! Puno ng galit ang mga mata nito, ngunit si Akira ay nanatiling mahinahon at kalmado. Dama na din ang takot ni Darren kay Kurusaki dahil sa mga mata nitong nakakatakot at aura nitong sobrang dilim.
"Pano naman ako Akira??? Pano naman ako??? Nasaan ang halaga ko diyan sa puso mo! Ngunit dahil sa lintik mong Ama!! Hindi kita makuha!!! "
"K-kurusaki??"
"Ngayon! Ngayon mo malalaman kung ano ang totoo kong pakay dito!!" ngumiti ito ng nakakaloko. Ngunit biglang napalitan ng galit at bumaling kay Darren.
"Yon ay ang patayin ang pinili nang kwintas mo!!!!!" seryosong sambit nito na nakatuon kay Darren.
Biglang lumindol nang napakalakas. Umihip ang napakalakas na hangin. Lumalakas rin ang itim na bumabalot sa katawan ni Kurusaki!!
Unti-unti ring nagigiba ang bahay na tinitirhan ni Akira. Bigla niyang naisip si Wyatt at ang ina nito na nasa Baba.
Nag iba ang expression ni Akira. Lumiwanag ang mga mata nito at buong lakas na pinigil ang ginagawang pwersa ni Kurusaki.
Unti-unti niya itong kinukontrol gamit ang malakakaibang inerhiya na lumalabas sa kanyang mata. Iyon lang ang kaya niyang gawin upang bumalik sa katinuan si Kurusaki at tuluyang masira nito ang bahay.
"Wag mo kong subukang galitin Kurusaki!! Dahil kakalimutan kong naging magkaibigan tayo!!!"
Sambit ni Akira habang hindi niya tinitigil ang ginagawa niya kay Kurusaki. Kita niya ang pag iba ng expression nito nang sabihin niya iyon.
"Hhahahhahah! Yon nga ang gusto kong mangyare ehhh. Ang magalit ka nang husto!!!! Dahil kung hindi ka man lang mapapasakin, sisiguraduhin kong mawawala ka rin sa mundong to!!!!"
Nagulat si Darren sa sinabi ni Kurusaki. Samantalang si Akira ay nananatili paring mahinahon dahil kinukuntrol niya ang sarili niya.
Tinudo ni Akira ang ginagawa niya hanggang sa Sumuko si Kurusaki.
Kahit anong gawin kasi ni Kurusaki, mas malakas parin si Akira kaysa sa kanya. Biglang nawala si Kurusaki dahil hindi niya kayang tapatan ang lakas ni Akira.
♠♠♠♠♠
Lapit na matapos...
Vote. comment. Support