*BLAAAGGGGG!!!*
Biglang nagulat ang mga tauhan nila Bobby at Dockery nang masira ang pinto. Nakita nila si Akira don.
Ibinato ni Akira ang bangkay nila Ayumi at Adele sa harap ni Bobby at Dockery. Nagkawasak-wasak ito dahil ginawa niya itong bato.
Naglakad si Akira palapit kila Bobby at sa mga Tauhan nito. Halos wala kang makikitang galos sa mga balat nito at ni gusot nang damit wala ito.
Ang tanging iba lang sa kanya ay ang sobrang itim na ang nasa paligid nang katawan niya. Nagiging itim na rin ang kanyang mga mata.
Tumingin siya bigla sa taas at nakita niya doon si Darren na wala nang malay at si Kurusaki na nakatingin na sa kanya at ngumingiti nang nakakaloko.
Naglakas loob na sugurin nang isa sa mga tauhan ni Bobby si Akira ngunit hindi pa siya nakakalapit ay bigla na itong umangat sa taas. Sunod-sunod rin na lumapit ang mga tauhan nito at sunod-sunod ring umangat ito sa taas.
Nagulat sila Bobby at Dockery. Kinuha nila ang baseball bat at aambang papaluin si Akira nang bigla silang tingnan ni Akira at sa isang segundo ay naging asido ang baseball bat nahawak nila. Umabot ito sa mga kamay nila, kaya naman dali-dali silang naghanap nang tubig. Ngunit hindi na sila hinayaan pa ni Akira na makahanap nang tubig, bagkus tiningnan sila ni Akira at unti-unti silang umangat at itinapat niya sa kumukulong tubig at sa isang kurap nito ay bigla silang nahulog dito.
Gayun din ang ginawa ni Akira sa mga kasamahan nito. Hanggang sa si Kurusaki na lang ang natira. Galit na hinarap ni Akira si Kurusaki.
*CLAP*
*CLAP*
*CLAP*
Palakpak ni Kurusaki, at tumingin ito nang masama kay Akira. Galit na galit si Akira na humarap kay Kurusaki, ngayon hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman niyang galit kay Kurusaki. Ngayon pa't nalaman niyang si Kurusaki ang may pakana kung bakit namatay ang mga magulang niya.
Ito rin ang dahilan kung bakit namatay lahat nang mga studyante sa Thai-Japan High School, siya ang dahilan kung bakit nagkagulo-gulo ang buhay niya.
"Hindi ko aakalain na hahantong tayo dito Akira. Ikaw naman kasi bakit ba hindi ka na lang kasi sumama sakin edi sana wala tayong problema. " ngiti-ngiti nitong sambit kay Akira.
"Kahit kailan, hindi ako sasama sa isang katulad mong walang puso!!nang damay ka pa ng mga inosenteng tao. Yan na lang ba ang kaya mong gawin? Ang mangdamay ng mga taong walang kalaban-laban? "
"Hahaha! Eh ano naman ngayon? " biglang dumilim ang mga mata ni Kurusaki " Ang mga tao ang dahilan kung bakit ako nagkaganito at alam mo yan Akira. Kaya dapat lang silang ituring na mga hayop dahil wala silang silbi! "
Inismidan lang ni Akira si Kurusaki dahil sa sinabi nito.
"Kung yan ang paraan mo para makapaghigante sa mga tao. Bakit hindi mo na lang patayin yong talagang nag agrabiyado saiyo. Hindi yong mangdadamay ka pa ng ibang taong walang kinalaman sayo. "