Paglabas niya nakita niya si Darren na naghihintay na sa labas nang Laboratory at takang tumingin siya kay Akira.Ang inaasahan niya kasi ay mala-basang sisiw na Akira ang makikita niya at umiiyak sa takot sa ahas. Ngunit iba ang nakita niya.
Nag igting ang panga niya dahil sa unang pagkakataon pumalpak ang studyanteng inutusan niya.
"Ang cute nang mga gamit sa loob..^_^"
Sambit ni Akira tsaka inayos ang suot niyang salamin habang papalapit ito sa tabi ni Darren.
"Saan naman dito yong room nang Third year??"
Tanong ni Akira at nakangiting tumingin sa paligid.
Inis na ginulo ni Darren ang Buhok niya tsaka ito nagsalita.
"Pagliko mo jan! Makikita mo yong Canteen. Tapos liko ka ulit doon ang third year at Fourth year!!!.. "
Sambit niya na pinipilit na wag ipakitang naiinis siya sa nangyareng palpak na plano.
"Hindi mo ko? Sasamahan??😮?"
Tanong ni Akira kay Darren. Biglang namula ang mukha niya sa galit sa tanong ni Akira at hindi na napigilan ang sarili..
"MAY PAA KA NAMAN DIBA!? MAY MATA KA!!! AT MARUNONG KANG MAGBASA!!! AT AYOKO NANG SAMAHAN KA!!!!"
Inis na sigaw ni Darren kay Akira at itinulak siya nito kaya napaupo siya sa daanan.
Nabigla siya sa ginawa ni Darren at napatingin sa kanila ang lahat nang studyante sa building nang Second year.
"Oh-oh! Nagalit na ang Papa Darren natin.."
"Humanda na yan sa susunod niyang mga araw namamamalagi siya dito.."
"Kung ako sakanya aalis na ako dito at wag nang kilalanin pa ang taong yan sa harap niya dahil tiyak pag-sisihan niya lang..."
Usap-usapan sa paligid nila. Takang tiningnan ni Akira si Darren.
Umupo si Darren sa harap ni Akira at ngiti-ngiting tumingin sa kanya.
"At ito ang tatandaan mo!!! Simula ngayon!.. Humanda ka na sa kalbaryong sasapitin mo sa paaralan na ito!!! Minsan lang ito mangyare na nagkaroon ng palpak sa plano. Malas mo dahil sayo pa nangyare. *smirk* Di pa dito nagtatapos. Simula pa lang iyon. "
Sabay malakas na dinuro ang kanyang noo at ngiti-ngiting tumayo at iniwan siyang nakaupo doon.
Naramdaman ni Akira na may studyanteng bubuhos sa kanya sa may likuran at hindi nga siya nagkakamali binuhusan siya nang malamig na tubig nang isa sa mga second year.
Bigla siyang nagitla nang maramdaman ang lamig sa katawan..
"Yan mas bagay sayo pag ganyan!!! Hahhahahha!!"
"Hahahaha!! Ang baho mo kasi! Mas bagay lang yan sayo!!!"
"Di niya siguro kilala si Darren kaya kung makasama siya kala mo girlfriend!! Ang landi pala nang transferee na to!!!"
"Sinabi mo pa!! Siguro stalker to ni Darren, kaya lumipat dito!! Tsk!! Asa!! "
"HAHAHHAHAHHAAH!!!!"
♠♠♠♠♠♠♠♠
An: Mga feeling niyo naman! Ambisyosa din kaya kayo!! >. < tsk!
Vote. Comment. Support.. 😘