Sa kalagitnaan nang pag-iisip ni Akira may narinig siyang mga taong nag-aaway.
Matalas kasi ang pang-dinig ni Akira, hindi na lang sana niya papansinin nang marinig niya ang pamilyar na pangalan..
"Yan ang mahirap sayo Darren!!! hahhahaha!!! ang hilig mong mang bully pero wala ka rin lang bina't-bat sa suntukan!!.."
"Parang Bakla ata yan Bob's eh!! Hahhahah!! Karaniwan kababaihan yong puntirya!!!"
"Balita ko! May bago tong puntirya sa paaralan nila.."
Hindi na nagdalawang isip si Akira kumuha siya nang jacket na kulay itim na may hood itinali niya ang buhok niya at inalis ang suot niyang salamin, kaya yong bangs niya na lang ang humaharang sa mata niya.
Nakasuot pa siyang maliit na palda na kulay puti at nag suot nang boots na kulay itim.
Pumikit siya at iniisip kung saan nanggagaling yong boses na yon at sa isang segundo nawala siya sa kwarto niya at nakarating sa isang lumang bahay na tanging buwan na lang ang nagsisilbing ilaw.
Nasa may pader siya nakatayo sa likod nang mga lalaking may mga kahoy na hawak at sa gitna nila naandoon si Darren, nakaupo at nakagapos ang kamay at mga paa, nakayuko ito at duguan ang uniporme.
"Anong pakiramdam Darren??? Masakit ba?? Huh??"
Sambit nang isang lalaki saka pinalo sa likod si Darren..
"Ahhhhh!!"
Sigaw ni Darren sa sakit. Biglang naawa si Akira sa ginawa kay Darren, pero yong mga kalalakihan pinagtawanan lang siya..
"Wala ka pala eh!, matapang ka lang dahil andun ka sa sarili mong teritoryo at marami kang alalay!! Hahahhah!! Ano ka hari???"
Sambit nong leader nang kalalakihan tsaka hahampasin na sana si Darren ng tubo na bigay nong leader nila sa isa sa kasamahan ng mga ito ngunit bila itong tiningnan ni Akira kaya ang nahampas niya ay ang leader nila..
"Aahhh!!"
"So-sorry bo-boss"
"Gago!! Bakit ako yong hinampas mo!!! "
Sambit nong leader nila tsaka kinuha nito yong tubo at ipinalo don sa lalaking pumalo sa kanya.
"Oh! Ikaw pumalo diyan.."
Sambit niya sa isa pang kasamahan niya.
Papaluin na sana nito si Darren nang umikot ito at yong leader ulit yong napalo.
Galit na galit yong leader nila nang sa pisngi siya natamaan.
"Put*!? Mga gago ba kayo?? Anong nangyayare sainyo!! Huhhh!!"
"Pa-pasensya bos. Sa kanya ko talaga ipapatama kaya lang parang hindi ko makuntrol ang sarili ko nong ipapatama ko na sa kanya.."
"Anong ibig mong sabihin?? "
"Parang may kumukuntrol sa kamay ko boss ehh.."