KABANATA 33

0 0 0
                                    


Lumalakas palalo ang nakapalibot na kulay itim na tila isang itim na usok kay Akira.  Hindi na rin maipinta ang mukha niya sa sobrang sakit nang nararamdaman niya.  Hindi niya na kasi kuntrol ang katawan niya.

"AAAAHHHHH!!!!!"

Sigaw nang malakas ni Akira.  Biglang nagiba nang tuloyan ang building at dumilim ang kalangitan.  Lumakas ang ihip nang hangin at bumalot dito ang itim na usok.

Hindi narin maipaliwanag ni Darren kung ano na ang nangyayare kay Akira.  Halos hindi na siya makatayo sa mga natamong sugat niya.

Ibang-iba na si Akira kumpara sa dati. Habang pinagmamasdan ni Darren si Akira  biglang nag flashback sa kanyang isipan yong mga ngiti ni Akira sa tuwing nagkukwentuhan sila sa Canteen habang kumakain.  Ngunit  ngayon wala na ang mga ngiting iyon dahil pinalitan na nang seryosong mukha na tila walang kinikilalang tao at mga matang may galit at puot na bumabalot dito. 

"A-akira??? "

Mahinang sambit niya.  Kitang-kita niya kung pano mag-iba ang katauhan ni Akira.  Ang lapad nang pak-pak sa likuran nito na singtulis nang espada ang mga dulo.  Nakikita niya rin kung gaanong kalakas ang nilalabas na inerhiya nang katawan nito.

Tumingin si Akira kay Kurusaki na ngayon ay halos lamunin na rin ito nang sarili niyang kasakiman. 

Gamit ang kaliwang kamay ni Kurusaki ay gumawa siya nang buhawi. Palaki ito nang palaki, hanggang sa sakupin nito ang buong lugar.  Ngiting tinignan niya si Akira, at buong lakas na ibinato kay Akira ang ginawa niyang buhawi. 

Gamit ang mga mata ni Akira, tinignan niya ang papalapit na buhawi at kusa itong sumunod sa kanya. Pinalaki pa ito lalo ni Akira at binalutan nang nagliliyab na Apoy. 

Wala na siyang pakialam kung may madamay na ibang tao.  Ang gusto niya lang ay ang mapatay kung sino man ang humaharang sa kanya.

Hindi aakalain ni Kurusaki, na makukuha iyon ni Akira.  Halos manghina na rin siya dahil sa kapangyarihan ni Akira na bumabalot sa paligid.  Gamit ang kanyang mga mata, kinuntrol niya ang malaking kawa na may lamang tubig, ngunit huli na siya dahil papalapit na sa kanya ang buhawi na lumiliyab.

"Aahhhh!!"

Sigaw ni Kurusaki nang makapasok siya sa loob nang buhawi.  Gamit ang pak-pak ni Akira, unti-unting nagsilabasan ang mga matutulis na bagay galing sa mga dulo nito at tumapon sa kung saan si Kurusaki.

Kinukontrol parin ni Akira ang buhawi at buong lakas itong pinaliliit upang masunog si Kurusaki sa loob.  Halos manghina si Akira sa ginagawa niya.  Hindi niya kayang kalabanin ang kapangyarihan na una niyang ginawa.

"HAHAHHAHA!! TINGIN MO MATATALO MO AKO AKIRA???? NAGKAKAMALI KA!!!!!"

♠♠♠♠♠♠

Vote.  Comment. Support

The Dangerous Girl Where stories live. Discover now