KABANATA 19

0 0 0
                                    


Maagang pumasok si Darren dahil aabangan nito si Akira na pumasok nang gate. Mga ilang minuto na rin siyang naghihintay ngunit wala pang Akira na dumadating.

Pinagtitinginan na nga siya nang ibang mga studyanteng dumadaan.  Dahil paminsan-minsan itong ngumingiti at  pasulyap-sulyap sa side mirror ng kanyang sasakyan.

Yong ilan naman ay nagtataka pa kung bakit ganoon na lamang kung umasta si Darren.

Dati-rati kasi lalabas yan nang sasakyan at pagkatapos maghahanap nang pagtitripan. Ngunit ngayon? Ibang Darren ang nakikita nila, masyadong mapormang Darren.

Mga ilang sandali pa ay dumating na rin ang inaasahan niya.  Bumaling  siya sa gate at pumasok sila Akira, Kurusaki at Wyatt. Ngumiti si Darren ng masilayan niya si Akira. 

Humiwalay na rin si Wyatt sa dalawa at nagpaalam ito kay Akira.  Tanging tango lang ang tinugon ni Akira dito at ngumiti. 

Lumapit si Darren sa dalawa at ngiti-ngiting tumingin kay Akira.  Tumingin din si Akira kay Darren at ngumiti siya dito. Biglang kumunot ang noo ni Kurusaki nang makita niya yong ngitian nang dalawa.

"Kararating mo pa lang??"

Tanong ni Akira kay Darren. Ngumiti ito sa kanya.

"Oo, kararating ko pa lang din, tara sabay na tayong pumasok.." pagsisinungaling nito dito. 

Tumingin si Akira kay Kurusaki nang maramdaman niyang humawak ito sa kamay niya.  Bumaling din doon si Darren sa mga kamay nila. 

Bigla namang nanlumo ang mukha ni Darren nang makita niya iyon ngunit di niya ito pinahalata..

"Ah-ehh, b-boyfriend mo??"

"Oo " masaya nitong sambit.

Biglang nagulat si Kurusaki at Darren sa biglang pagsagot ni Akira kay Darren, na boyfriend niya nga itong si Kurusak.  Ngunit ang hindi nila alam na iba ang pagkakaintindi ni Akira sa salitang Boyfriend, para sa kanya, english word lang iyon nang lalaking kaibigan. 

"Ahh, ganun ba??" 

Malungkot na sambit ni Darren kay Akira, subalit si Kurusaki ngumiti lang ito sa kanya.  Alam niya kasi na hindi alam ni Akira ang sinasabi nito.

"Tara, malapit na mag time^_^"

Masayang sambit ni Akira, tsaka hinawakan niya ang kamay ni Darren.  Bigla namang nagbago ang mood ni Darren nanghawakan siya ni Akira. 

Kumunot rin ang noo ni Kurusaki, dahil siya ay kusa niyang hinawakan ang kamay ni Akira, subalit si Darren si Akira mismo ang humawak.

Sa buong buhay niya kasi, siya lang yong gumagawa nang moves para  kay Akira. Kaya naman naiinis siya kay Darren.

Para iyon lang,  apaka big deal ah?

Takang pinagmamasdan sila nang mga studyanteng nakakasalubong nila.  Pati na rin iyong mga studyanteng nasa kani-kanilang tambayan.  Hindi nila aakalain na magsasama si Darren at Akira sa paglalakad at higit sa lahat magkahawak pa nang kamay.

"Oh my god!! O.O!! Sampalin mo nga ako Demi!!! "

"Bakit??"

"Basta sampalin mo ako!!"

"Bakit nga???"

"Basta sabi sampa----"

*PAK!!*

"Aray masakit yon ahhh!! Pero? Teka?! Hindi talaga ako nananaginip!! Si Darren at si Akira magkahawak nang kamay habang naglalakad???"

"Talaga? Asan???"

"Ayun ohh??"

Dinig ni Akira sa mga First year na dinaanan nila.  Ngumiti na lang siya sa narinig niya.

Ganda ka girl? 

******

Chemistry nila nang utusan si Akira na kuhanin yong malaking Periodic Table Chart doon sa Physic's Lab. Dahil hindi daw naisauli sa Chemistry Lab. yong hiniram nila.

Magpapaalam sana si Darren na sasamahan niya si Akira nang itali naman siya nitong si Kurusaki gamit yong sintas nang sapatos ni Darren sa mesa.  Gamit lang ang isang daliri nito.

Kaya naman nong tatayo na sana si Darren ay bigla siyang natumba.   Palihim na ngumiti si Kurusaki saka tumayo at sumunod kay Akira.

Kaya naman ang pinagbuntungan ni Darren ay iyong katabi niya.

*******

Lunch time.  Sabay-sabay  silang tatlo kakain.  Nasa iisang mesa lang sila sa dating kinakainan ni Akira nong minsan siyang patirin ni Darren.

"Teka? Nakalimutan kong kumuha nang tubig... Sandali la---"

"Ako na" --> Darren At Kurusaki

Sambit nong dalawa,  nang tatayo na sana si Akira para kumuha nang tubig.  Nagtaka ang mga tao doon nong sabay si Kurusaki at Darren na tatayo at sabay na nagsalita.

Nagtaka rin si Akira sa inasta nang dalawa.  Ngiti lang ang ginawa nila kay Akira.

"A-ako na lang, ang kukuha, umupo ka na lang diyan kurusaki..  "

Sambit ni Darren kay Kurusaki tsaka nginitian ito.  Uupo na sana si kurusaki nang e-usog naman ni Darren ang upuan na uupuan sana ni Kurusaki, kaya sa huli napaupo siya sa sahig.  Pinagtawanan tuloy siya nang mga taong naroroon sa Canteen.

Pati si Akira ay hindi rin mapigilang hindi matawa.  Kaya nainis si Kurusaki kay Darren.

Ilang saglit pa ay bumalik na si Darren dala ang tatlong bote nang tubig.  Binigyan nang nakakainsultong ngiti ni Darren si Kurusaki na kunot noo naman siya nitong tinignan.

"Salamat..:)"

Sambit ni Akira, at ngumiti kay Darren.  Umupo  na si Darren sa katabi ni Akira, at ngiti-ngiting pinagmasdan si Akira habang sumusubo.

Nainis naman si Kurusaki sa ginagawa nito.  Kaya naman, tiningnan niya ang inuupuan ni Darren at pinagalaw ito tsaka inilapit sakanya. 

Parehong nagtaka si Akira at Darren.  Akala ni Darren si Akira ang may gawa non kaya naman bumaling siya dito. Ngunit si Akira nakatingin kay Kurusaki ng masama.  Ngumiti  lang si Kurusaki sa kanila, saka sinimulang kumain na parang walang nagyare.

Samantalang  si Darren ay pilit na inuusog yong upuan niya kay Akira ngunit hindi niya ito nagagalaw.

♠♠♠♠♠♠♠

Competition's begin hahahahhaha...

Vote. Comment. Support

The Dangerous Girl Where stories live. Discover now