Biglang sumulpot si Kurusaki sa likod ni Akira at buong lakas itong sinipa. Kaya tumilapon si Akira sa kabahayan.Nawala sa isip ni Akira na kayang mawala si kurusaki dahil maykakayahan itong umalis gamit ang kanyang isip nang katulad rin sa kanya.
Halos malayo ang narating ni Akira sa sipang iyon ni Kurusaki. Mula sa pagkakabagsak ay galit itong tumayo at lumipad nang mabilis patungo kay Kurusaki.
Umihip si Akira at naging yelo ang paligid. Ngunit tinapatan din yon ni Kurusaki. Nagi itong Apoy at gamit ang mga kamay niya unti-unting nasusunog ang paligid.
Ngunit, dahil sa malakas si Akira hindi nakayanang pang maipagpatuloy ang pagiging Apoy ni Kurusaki. Nanghina ito at bumagsak sa lupa malapit kung saan nakahiga si Darren.
Mula sa pagkabigo at sa sakit na natamo mula kay Akira ay bigla itong ngumiti ng nakakaloko habang nakatingin kay Darren.
Tumayo ito at mabilis na hinawakan si Darren sa leeg.
"AKIRA??!" pagkuha ng atensyon nito kay Akira. Bumaling ito sa kanya.
"Nakikilala mo ba ito? " nakakaloko nitong ngiti habang nakahawak ang isang kamay sa leeg ni Darren at nakatingin kay Akira.
"Pano kaya kung patayin ko to mismo sa harapan mo? " halos hindi makahinga si Darren sa ginagawa sa kanya ni Kurusaki.
Tiningnan ni Akira si Darren. Ngunit walang emosyon. Isa lang ang ibig sabihin non.
"PATAYIN MO!!!!" sigaw ni Akira.
Hindi na nito kilala si Darren. Gulat na tiningnan ni Darren si Akira ganoon din si Kurusaki. Hindi aakalain nila Kurusaki na magiging ganoon si Akira.
Biglang umapoy ang mga mata ni Akira. Tumingin ito kila Kurusaki at Darren. Unti-unting lumalabas sa mga kamay ni Akira ang isang nakakalasong usok.
Humangin nang napakalakas. Kasabay nito ang lindol. Natumba si Kurusaki at Darren. Kaya naman nabitawan ni Kurusaki si Darren.
Kinuntrol ni Akira si Kurusaki at ipinalanghap nito ang nakakalason na usok na nasa kamay niya. Unti-unting nanghina si Kurusaki at pinaglaruan ito ni Akira. Kaliwa't kanan niya itong inihagis sa mga puno at malalaking building.
Halos mawalan na nang hininga si Kurusaki. Duguan narin ito. Ngunit hindi parin siya tinitigilan ni Akira.
Dinala ni Akira si Kurusaki sa harap niya nang halos wala na itong malay. Gamit ang mga mata niyang kulay itim. Unti-unti niyang pinuputol ang mga ugat ni Kurusaki sa loob nang katawan nito.
"AAAAHHHHH!! HAYOP KA AKIRA!!!!"
Sambit ni Kurusaki kay Akira. Unti-unting naging isang bakal si Kurusaki tsaka ito buong lakas na inihagis ni Akira sa kalangitan.
"AAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!"
Halos magunaw na ang mundo sa lakas ni Akira. Tumingin siya sa paligid at buong lakas itong sinira. Lumalakas rin ang lindol at nabibiyak na ang mga lupa.
Puot at Galit na ang nararamdan ni Akira. Gusto niyang ubusin ang mga tao na nakapaligid sa kanya dahil makasarili ang mga ito! Iniisip lang nila ang mga sarili nila. Hindi nila iniisip ang mga nararamadaman nang iba.
Biglang umulan nang Apoy. Nang maalala ni Akira ang pamilya niya lalong-lalo na ang kanyang Ama. Mas lalo pang lumakas ang galit na nararamdaman niya.
Kinuntrol ni Akira ang buong kalawakan. Pati na ang mundo. Wawasakin niya na sana nang may magsalita.
♠♠♠♠♠
Vote. Comment. Support